Chapter 14: I didn't kill her

117 15 9
                                    

G O H A N

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

G O H A N

Because of my peculiar condition I can't interact with lots of people. I have gynophobia; a fear of women. I feel like I'm not a normal person. I want to overcome it but I can't.

Lagi kong naalala ang nangyari noon. Mula siyam na taong gulang ako ay nagkaroon na ako nitong phobia, pero hindi pa ito sobrang lala. It all started when I found out na may ibang asawa at anak ang nanay ko. You know what hurts the most? My dad was the manstress . We're not the legal family. I feel like, my whole life was a big lie.

Naniwala ako na perfect family kami. Na kahit mag-isang anak lang ako ay masaya naman kami, because I saw how they loved each other. Until one day, I found out that what they are doing is wrong. And it can never be right. Lagi kong iniisip na sana 'di na lang ako nabuhay. I hope, I wasn't made if I'm just a destruction.

Sunod-sunod ang kamalasan na nangyari sa buhay ko, kahit na bata pa lang ako. Nalaman ko na may heart disease ako at asthma. Hindi ko alam kung ano'ng mali kong nagawa, kung bakit ako pinaparusahan ng ganito. Siguro ito na ang karma namin. Because we're not the legal family, kabet lang

Naalala ko pa noon na binully ako sa school dahil nalaman nilang hindi kami legal family. Halos hindi na ako pumasok ng school dahil sa takot, pati ang mga paborito kong teacher ay nawalan ng gana sa akin. As if it was all my fault. But fuck! I'm also a victim.

Lumipas ang ilang taon noon at 'di na nagsama sina dad at mom. Simula no'ng araw na nahuli sila ay 'di na sila muli pang nagsama. Sobrang sakit, yung gusto mong ikaw yung piliin ng nanay mo, pero alam mong malabo dahil option lang naman kayo.

Natutuhan kong mapatawad si dad sa paglipas ng panahon. Naging maayos ang buhay namin ni Dad. Naging masaya ako dahil may mga taong nanatili sa tabi ko. Ang classmate ko sa online class na si Traze at ang kapatid niya na first love ko, si Vianna.

I thought magiging masaya na ako. Pero nang grumaduate kami ng elementary ay iniwan ako ni Vianna, walang paalam. Ni hindi ko man lang naramdaman na iiwan niya din pala ako. Pumunta siya ng Canada para doon na mag-aral. Hanggang ngayon naalala ko pa rin yung sakit, yung gigising ka ng isang araw na wala na yung taong nakasanayan mong makasama.

I found out na si dad ang dahilan kung bakit siya nakapunta ng Canada. Siya ang nag-asikaso ng papeles niya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan! Ayaw ba nila akong maging masaya? Fuck!

Tinanong ko si Traze kung bakit nila 'yon ginawa kung bakit siya pumayag na iwanan ako ni Vianna. Pero hindi niya pinaliwanag sakin. Mula nang araw na 'yon, hindi na umalis si Traze sa bahay. Hindi na niya ako iniwan kahit wala akong ibang ginawa kung 'di ang pag-initan siya ng ulo.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon