Chapter 10: I really want to be with you.

113 14 20
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


D A L I A

"Ate Dalia, I want to see Lisa of Black Pink. Invite her, please. That's my birthday wish."

Napangiti at bahagya akong natawa nang marinig ko 'yon mula kay Nana. Bata pa nga siya, aha! Birthday niya kasi today at 'yon daw ang wish niya ang makita si Lisa ng Black Pink.

She just turned 6 years old today. Inayos namin ni Avriel ang living room para sa kanya. Nakakatuwa nga na game na game din si Avriel, para sa kapatid niyang si Nana. Puro kulay black at pink ang mga designs na nilagay namin.

Buti na lang at pinayagan ako ni Gohan na mag day-off ngayong araw kung 'di malungkot panigurado si Nana. Sayang nga lang at wala ang ate Klioh niya.

"Baby kahit walang Lisa ngayong birthday mo, nandito naman ang ate Dalia mo na kasing ganda ni Lisa." Nginitian ko siya with matching beautiful eyes.

"Maganda ka naman talaga ate Dalia, pero panget ang boses mo tsaka 'di ka naman marunong sumayaw."

Mariin akong napapikit ng sabihin ni Nana yung mga 'yon, grabe double kill. Napakamot na lang ako ng ulo.

Napatingin naman ako kay Avriel na busy habang nagtatali ng mga baloons, tawang-tawa s'ya dahil sa sinabi ni Nana. "Hoy ikaw Avriel, kung makatawa ka! Porke kamukha mo si Jungkook!"

Nagpout siya. "Ano nanaman? Jungkook palito build?"

Tumawa ako. "Buti alam mo."

"H'wag mo nga ako inaasar ate Dalia, Naggy-gym na kaya ako!" Nag flex pa siya ng biceps niya na kasing laki lang ng itlog na binebenta ni Aling Bidang, tsk! Naalala ko pa tuloy yung matandang 'yon!

"Pssh. Biro lang, gwapo ka naman talaga e! Parang ako!" Biro ko sa kanya.

Natawa siya at naglakad palapit sakin. "Ate Dalia, ba't ba kasi kailangan na magpanggap ka pa bilang lesbian?"

"Eh kasi nga hindi pwedeng magtrabaho ang mga babae sa K's resto." Paliwanag ko.

"Ngek, paano 'yan kapag nalaman na babae ka talaga?" Tanong ni Avriel.

"Hindi nila malalaman."

"Hmm, ikaw bahala. Ang gwapo mo sa  wig mo ate Dalia." Nakangiting sambit niya. "Pero nangingibabaw parin talaga yung kagandahan mo, buti hindi nagtataka yung boss mo."

"Lah Avriel parang shira!" Natatawang sambit ko. "Wala e, maganda talaga ako aha! Ewan ko nga din ba't hindi ako pinaghihinalaan na nagpapanggap lang ako e."

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now