Chapter 27: Snake

68 15 14
                                    

2 months later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

2 months later


D A L I A

Dalawang buwan na ang nakakalipas mula nang mamatay si Klioh. Tatlong buwan naman ang nakakalipas nang magtrabaho ako noon sa K's resto.

Isang buwan naman ang nakakalipas mula nang maka-graduate ako. Natupad ko na ang pangarap ko. Matapos kong maka-graduate ay may mga kumukuha sa akin bilang chef ng kanilang mga restaurant. Pero isang offer lang ang tinanggap ko. Iyon ang offer sa akin ni Ms. Elicia isang manager sa bagong bukas na resto rito sa Manila, ang NAK's resto.

Ayon kay Ms. Elicia nakilala nila ako dahil sa business ko noon na online lutong ulam.

Ipinasok ko rin sa NAK's resto ang kaibigan kong si Melanie. Kaya isa siya sa mga chef na kasa-kasama ko.

Halos isang buwan na rin akong nagta-trabaho sa resto nila. Ayon nga lang may naalala ako sa may-ari ng resto, paano ba naman kasi hindi ko pa siya nakikita. Naalala ko tuloy si Gon sa kaniya na ayaw din nitong nagpapakita sa mga tao.

Dalawang buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nakikita si Gon. Pero hindi pa rin tumigil ang ingay. Isa siya sa most wanted person sa Pilipinas.

Sinara na lahat ng mga branch ng Kingdom resto dahil sa nangyaring 'yon. Kasabay ng pagkawala ni Gon ay ang pagkawala rin nina Wanco at Vianna. Wala na rin akong balita kung kumusta na sila ni ate Aemielle.

Sa loob ng dalawang buwan ay nag-imbestiga ako ukol sa nangyari kay Klioh at kay Aminah.

Nalaman ko na rin kay sir Layug kung sino ang kausap nito noon, tungkol kay Klioh.

Si Wanco. Si Wanco ang kausap niya noon. Ang kwento sa akin ni sir Layug, estudyante niya raw noon si Klioh ngunit huminto ito sa pag-aaral dahil kailangan na niyang magtrabaho para sa kaniyang mga kapatid, ni-refer nga siya nito sa resto ni Gon. Isang araw raw ay nagtanong muli sa kaniya si Wanco kung may nangangailangan pa daw ba ng trabaho sa kaniyang mga estudyante at kung maaari raw e, babae ang i-refer nito. Doon ay ni-refer niya ang kaniyang estudyante na hirap sa buhay, si Aminah. Noong una ay naging maayos naman raw ang naging trabaho ni Aminah. Hanggang sa isang araw ay may inutos si Wanco kay sir Layug, inutos nito na sabihin kay Aminah na sinugod sa hospital ang kaniyang ina kahit na hindi naman ito totoo. Hindi niya raw alam nung una kung bakit 'yon pinagawa ni Wanco, ngunit nabigla na lamang ito ng mabalitaan na patay na si Aminah.

Sinabi nito na kaya siya pumayag noon ay dahil binayaran siya ni Wanco ngunit pinagsisihan na niya ito. Hindi ako nakaramdam ng awa sa kaniya. Hindi ko lubos maisip na yung taong hinahangaan ko sa pagtuturo ay makakagawa ng ganung bagay. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now