Chapter 6: For your own sake

173 14 5
                                    

D A L I A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


D A L I A

Huminga ako nang malalim bago hawakan ang doorknob. Dahan-dahan ko itong binuksan. Pagkabukas ko nito ay kaagad akong lumabas at bumungad sa 'kin ang lalaking naka-argue ni Gohan nung naga-apply pa lang ako, kasama niya sina Klioh at Vianna.

Napatingin sakin ng seryoso ang lalaki. Sa tingin ko ay napatigil lang sila sa kanilang pinag-uusapan dahil sa pagbukas ko ng pintuan.

Tinignan ako ng masama ni Vianna bago naglakad palapit sakin. "You're a liar!"

Napalunok ako nang sabihin niya 'yon, pumwesto naman si Klioh sa tabi ko nang mapansin niyang lumalapit sakin si Vianna.

Napasinghal ang lalaki habang nanonood sa nangyayari.

"Vianna, will you please stop!" Malakas na sambit niya, habang seryosong nakatingin kay Vianna.

"I don't understand, what's happening Traze!" Galit na sambit ni Vianna. "Where's Gonnie? I need to explain everything to him! Is he mad at me? Kaya ayaw niya akong makita?"

Traze pala ang pangalan ng lalaki, it means siya din yung tumawag sakanya last week. Pero bakit ganun ang nangyari kay Gohan noon?

"Shut-up Vianna! I told you na hindi ka pwedeng makita ni Gon!" Sigaw ni Traze. "Sumusobra ka na Vianna, may atraso ka pa sakin, sa pakikiaalam mo ng phone ko para tawagan si sir Gon!"

"Aha!" She laughed sarcastically. "So that's the reason kung bakit ka ganyan? Because you're just a dog of him?!"

Napakurap ng mabilis si Traze dahil sa narinig niya. Dinuro niya si Vianna.

"This dog is the reason, kung bakit successful ka ngayon!" Suminghal siya. "Get out of this place, bago ko pa makalimutang kapatid kita!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Magkapatid pala sila ni Traze, kaya pala may pagkakahawig silang dalawa.

Vianna rolled her eyes, tinignan niya kaming lahat.

"All of you, especially you," she pointed me. "A liar bitch! You will all regret this!"

"Get out!" Sigaw ni Traze.

"W-what's happening here?" Bungad ni Wanco na kalalabas lang ng kitchen area.

Masama lang silang nakatingin sa isa't isa at hindi sinagot ang tanong ni Wanco.

Ilang segundo lang ay nag walk-out si Vianna at napansin kong sinalubong siya ng mga kamasa niya kaya agad akong yumuko at pasimpleng nagtago sa gilid ni Klioh upang 'di ako makita ni ate Aemielle.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now