Chapter 24: I will stand trial

69 13 15
                                    

D A L I A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


D A L I A

Dali-dali akong humingi ng tulong nang makitang nakahiga sa sahig si Gohan habang pawis na pawis at habol-habol nito ang kaniyang hininga. Kaagad naman dumating ang mga staff kasama si Ms. Fiara. Hindi na nagpadala si Gohan sa hospital, as usual ayaw nito.

Nakatulog ito matapos niyang kumalma. Nakatitig lang ako sa kaniya ngayon habang mahimbing pa rin ang kaniyang tulog.

Ewan ko ba, I'm still concern to him. Kahit na sobrang sakit na nang nararamdaman ko. Siguro nature ko na 'tong ganitong ugali. Hindi ko nga alam kung mabait ba ako o sadyang tanga lang ako. Hays.

Napukaw naman ng atensyon ko ang umilaw niyang phone sa ibabaw ng mesa. Naka-lock ito, pero makikita mo ang notification na nagpop-up dito.

Tinignan ko ang message na na-received niya. Wala sa loob kong binasa 'yon at nanlaki ang mga mata ko sa aking nabasa.

"Sir dalawang araw na pong hindi pumapasok si Kliohferry Hernandez, nawawala raw po ito."

Shit!

Nawawala si Klioh?! Anong ginawa nila kay Klioh?!

May kinalaman ba 'to sa narinig ko sa kausap ni sir Layug kahapon?

Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Tama ba ang hinala ko na si Gohan nga ang kausap ni sir Layug? Shit!

Mabilis kong binitawan ang phone ni Gohan nang mapansin kong magigising na ito.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Naglakad ako papunta sa isang couch at doon umupo.

Dali-dali namang bumangon si Gohan. Napahawak siya sa kaniyang ulo na para bang nahihilo ito. Nilibot niya ang paningin niya at napatingin ito sa akin.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo.

Ngumiti ito sa akin. "Salamat Tombs."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya, nakatingin lang ako ng seryoso sa kaniya.

"Anong ginawa niyo kay Klioh?" seryosong tanong ko.

Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. "W-what do you mean?"

Napasinghal ako at bahagyang natawa. "Mm, talent mo ba 'yan? Ang magpanggap na walang kaalam-alam sa nangyayari?"

"Sorry Tombs, pero 'di ko talaga naiintindihan ang sinasabi mo."

"Alam kong may kinalaman ka sa pagkawala ni Klioh at alam kong kasabwat mo si sir Layug."

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now