Epilogue

196 16 11
                                    

6 months later

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

6 months later

D A L I A

"OPEN YOUR EYES, GOHAN!"

Finally, natupad din yung gusto ko para kay Gohan. Marami na kaming mga napuntahan na lugar magkasama. Lahat ng mga bagay na gusto niyang gawin, ginawa namin 'yon ng magkasama. Finally, he saw in his own eyes the beauty of the world. Walang takot at pangangamba, kung saan malaya siyang nagagawa ang gusto niya. Nakita na rin niya sa sarili niyang mga mata kung sino talaga ang mga taong tunay na nagpapahalaga sa kaniya.

Natuwa ako na karamihan sa mga first time niyang nagawa ako ang kasama niya. Syempre ako rin first kiss niya no. Syempre siya nag first move, nadulas lang kaya ako, pero siya talaga yung humalik sa akin! Sa bagay nag-kiss na pala kami noon, kaya nga lumobo ng ganito tiyan ko e.

Muli na ring nagbukas ang Kingdom Resto Bar & Resort. Mas dumami ang mga customers dahil mas sumikat si Gohan dahil sa nangyari anim na buwan ang nakakaraan.

Nagpatuloy naman sa sina Ms. Elicia at Klioh sa pag-manage sa kanilang sariling restaurant. Parang kapatid na raw ang tingin ni Ms. Elicia kay Klioh kung kaya't hindi ito nagdadalawang isip na tulungan.

Nagpatuloy si Melanie sa kaniyang pagtatrabaho sa NAK's Resto. Sabi nga niya sa akin h'wag na daw akong lumipat ng Kingdom Resto may bagay raw ako do'n sa NAK's Resto. Si Nana na lang raw ang tanggalin namin at hintayin siyang lumaki, at kung ako raw ang papalit sa pangalan ni Nana sa NAK's resto. Magiging DAK's Resto raw ang tawag dito. Loka-loka talaga ang babaeng 'yon, puro kalokohan ang alam! Syempre, mana sa akin!

Sina Nana at Avriel naman laging nasa bahay namin ni Gohan. Mas gusto raw nila dito sa amin kasi nakakalaro nila ang kuya Gohan nila. Araw-araw ba naman sila maglaro ng PS5! Minsan nagse-selos na nga ako e, kasi naman mas may time pa si Gohan sa dalawa! Pero syempre naiintindihan ko naman 'yon. Buti na lang at ako ang paboritong daughter-in-law ni Daddy Gion! Sabagay, ako lang naman pala talaga ang magiging daughter-in-law niya dahil only child nga pala si Gohan. Pero atleast ako pa rin yung paborito ni Daddy Gion no! Binibili niya kaya lahat ng gusto ko, basta raw dapat yung pangalan ng magiging anak ko ay start din sa letter G ang pangalan. Ano bang meron sa letter G?

Si Traze naman ayon palaging napunta sa bahay namin sa Pampanga. Nagseselos na nga ako do'n e. Balak pa yata akong agawan ng Nanay! Paano kasi itong pambansang president ng mga love team na si Doc Jayci e, sinabihan rin sila ni ate Aemielle na bagay raw sila. 'Yon naniwala tuloy ang dalawa! Kasi raw yung huling sinabihan ni Doc Jayci na ganun ay nagkatuluyan at ang tinutukoy nila ay kaming dalawa ni Gohan.

Akala namin mahihirapan kaming mag-explain kay Nana sa bagong anyo ng mama Klioh niya at kung paano namin sasabihin na ang inaakala niyang ate ay mama niya pala, pero ang sabi niya kilalang-kilala niya raw ito. Wala raw itong pinagbago. Ang gwapo raw ni Klioh at tinawag niya pa itong Mapa, mama at papa. Matalino talaga yung bata, kahit na madalas e pasmado ang bunganga! Hindi niya pa alam na ang tatay niya ay ang nakakulong na si Wanco, masyado pa siyang bata para malaman 'yon. Nag-decide sina Klioh na ipaliwanag ang lahat sa kaniya kapag lumaki na ito.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Kde žijí příběhy. Začni objevovat