Chapter 3: Murder Case

208 14 1
                                    

D A L I A

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


D A L I A

Labag man sa loob ko ang gagawin ko na magpanggap bilang isang lesbian ay gagawin ko parin dahil kailangan ko ng makahanap ng pambayad sa school lalo na't dalawang buwan na lang ay ga-graduate na ako.

I am near to my success, I'm about to smell victory. I can now prove that I can, that they are wrong for not supporting me.

Isinawalang tabi ko na muna ang mga iniisip ko na totoo ang rumour dahil sobrang labo namang maging totoo ng issue na 'yon.

Huminga ako ng malalim at ngumiti bago naglakad palapit kay Gohan. Nilibot ko ang paningin ko sa kanyang office. Kusang nagsara ang sliding door. Dali-dali akong napatingin sa direksyon sa labas. Nagulat ako ng mapansin kong blurred lang ang nakikita ko sa labas kapag nasa loob ka ng office, pero kapag nasa labas ka naman ay makikita mo ang nasa loob kung lalapit ka. This is kinda weird, usually sa mga bintana ng sasakyan ang ganito, pero sa sasakyan ay makikita mo ang nasa labas at hindi mo naman makikita ang nasa loob.

Napabuntong hininga ako nang mapagtanto na kung ano-ano na lang ang iniisip at pino-problema ko.

Muli kong binaling ang tingin ko kay Gohan. Hindi na siya nakatingin sakin. Seryoso lang siyang nakatingin sa laptop niya.

Tumigil ako sa paglalakad nang nasa harapan na ako ng table niya.

"Have a seat," he offered without looking at me.

Binuksan niya ang isang folder na nasa lamesa niya at inabot ang ilang mga papel na sa tingin ko ay may higit sa dalawang page.

"Fill out those forms, then leave immediately." Seryoso niyang sambit.

Hindi man lang siya tumingin sakin. Seryoso lang siyang nakatingin sa laptop niya at halatang may pinagkakaabalahan.

Napatingin ako sa inabot niyang mga papel. Contract ito at may isang form na kailangan i fill-out.

"Hired na ako agad sir?" I asked.

"Ayaw mo ba?" He answered.

"Syempre gusto!" I smiled.

Sa pagkakataong 'yon ay binalingan niya ako ng tingin at napatitig sakin. Nginitian ko pa siya lalo kahit na seryoso lang siyang nakatingin sakin.

Napasinghal ako at muling binaling ang tingin sa mga papel na hawak ko.

"Wala man lang bang interview? Nag prepare kaya ako para doon hehe." muli ko siyang tinignan.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon