Chapter 30: The witness

104 14 13
                                    


Disclaimer: I'm not knowledgeable in law and in trial but I did some research for you guys. So, if you notice some errors/mistakes don't hesitate to correct me. Enjoy reading!!!🙌🏻🖤

 Enjoy reading!!!🙌🏻🖤

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


D A L I A

Nalinis ang pangalan ni Gohan matapos ang trial na nangyari.

Lahat ng media ngayon ay nakatutok naman sa kaso ng pagkamatay ni Klioh at ang suspect ay si Wanco.

Naglabas kami ng video, explaining na edited ang video na kanilang napanood at inatras na namin kaso. Kung kaya't mas lalong luminis ang pangalan ni Gohan.

Kinulong naman si Vianna sa kasong perjury dahil sa ginawa niyang mga kasinungalian. Limang taon itong makukulong sa bilangguan.

Nang kumalat ang balita tungkol sa paglabas ko ng video sa korte na inaamin ni Klioh na siya ang pumatay kay Aminah at sinabi nitong pinilit siya ni Wanco, may isang babae ang lumapit sa amin at sinabi nitong handa siyang maging witness. Ang babae raw na ito ay rape victim ni Wanco.

Demonyo talaga siya! Kung kaya't deserve niya ang mabulok sa bilangguan! Hindi ko naisip na aabot sa ganito ang kademonyahan ni Wanco. Dahil sa pera ay hindi man lang nadadawit ang kaniyang pangalan kahit na napakarami na nitong ginawang kasalanan.

Pero ngayon, sisiguraduhin kong lalabas ang baho ni Wanco. Sinisiguro ko na mabubulok siya sa kulungan!

"That was 4 years ago," panimula ng babae.

Nasa condo unit kami ngayon ni Traze kasama ang babaeng lumapit sa amin. Si Gohan naman ay pinagpahinga muna ng kaniyang ama sa kanilang bahay, kasama niya roon si Doc Jayci upang ito ay mabantayan.

"Tell us what happened Rivah," tanong ni Traze.

Kilala ni Traze ang babae dahil nagtrabaho raw ito noon sa Kingdom resto at sa pagkakaalam niya ay kaklase siya ni Klioh.

"Sa totoo lang natatakot ako, pero nang malaman kong pinatay niya si Klioh... pakiramdam ko kailangan ko ng magsalita. Sa pagkakatanda ko, kwento sa akin ni Klioh ay ex-boyfriend niya si Wanco."

Nanlaki ang mga mata ko dahil dito Ex niya?!

"Magkaklase raw sila noon, seven years ago. Inamin raw ni Klioh kay Wanco na isa siyang lesbian nang ayain siya nito na makipagtalik, pero hindi raw matanggap 'yon ni Wanco at pinilit niya pa rin si Klioh. May pinainom raw ito sa kaniya kung kaya't nawala siya sa kaniyang sarili at doon ay walang awang pinagsamantalahan siya."

Napabuntong-hininga ako dahil sa narinig ko, demonyo talaga siya! Hayop siya!

"Nabuntis raw si Klioh noon at nang malaman ito ni Wanco ay hindi niya tinigilan si Klioh. Pinilit siya nito na magtrabaho sa Kingdom resto para makasama niya raw si Klioh at matulungan raw ito sa gastusin sa kaniyang anak."

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now