Chapter 29: Accused

83 17 5
                                    

Disclaimer: I'm not knowledgeable in law and in trial but I did some research for you guys. So, if you notice some errors/mistakes don't hesitate to correct me. Enjoy reading!!!🙌🏻🖤

 Enjoy reading!!!🙌🏻🖤

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


D A L I A

Nahuli na rin si Gon matapos siyang puntahan nina Traze at Doc Jayci doon sa lugar na nasa calling card. Kasama nila ang mga pulis na pumunta roon.

Nakita rin doon sina Vianna at Traze pero hindi sila hinuli ng mga pulis dahil wala pa raw matibay na ebidensiya laban sa kanila, kailangan rin muna silang masampahan ng kaso.

Buong Pilipinas ay naging maingay mula nang mabalitang nahuli na si Gon. Karamihan sa mga tao ay hinihiling na magkaroon ng Death Penalty, upang maibigay 'yon na parusa para kay Gon.

Sa susunod na araw na ang trial sa kaso nina Gon.

"Hindi namin alam na si Gonnie pala ang pumatay sa anak namin. Sa pagkakaalam ko kasi mabait ang binatang 'yon," sambit ng matanda na anay ni Aminah.

Pinuntahan namin ang bahay nina Aminah. Kasama ko si Traze ngayon. Kumukuha kami ng impormasyon para sa paparating na trial. May tumulong rin sa kanila upang makapagsampa sila ng kaso laban kay Gon.

"Marami pong namamatay sa maling akala," seryosong sambit ko bago tignan ang tumunog kong cellphone.

Tumatawag si Doc Jayci. Dali-dali ko naman 'tong sinagot.

"Kailangan niyong pumunta rito sa lugar kung saan natin pina-unlocked ang phone ni Gon," sambit nito. Halata sa tono niya na natataranta ito.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko sa kaniya.

"Dito ko na ipapaliwanag."

•••

Nang makarating kami ni Traze sa lugar na sinabi ni Doc ay kaagad niya kaming tinawag at pinakita ang video sa pagkamatay ni Klioh.

Ano bang ginagawa niya? Naaalala ko lang ulit si Klioh dahil dito.

"Pansinin niyo ang video," ani Doc. "Kung mapapansin niya walang suot na singsing si Gon sa video na ito. Ang singsing na 'yon ay bigay sa kaniya ni Aminah. Sa pagkakatanda ko birthday gift ni Aminah 'yon kay Gon. Bihira hubarin ni Gon ang singsing na 'yon."

Napatingin ako nang maigi sa video at pansin ko nga na walang suot na singsing si Gon roon. Pero hindi, posible rin naman na hinubad niyang singsing noon.

"Hindi lang 'yan, ayon sa kaibigan ko edited ang video na ito. Totoong binaril si Klioh pero hindi si Gon ang bumari sa kaniya."

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now