Chapter 15: I'll take a risk

109 13 6
                                    

D A L I A

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

D A L I A

I will take a risk. Alam kong masyadong risky ito pero alam kong magiging masaya ako sa desisyon kong ito at alam kong magiging masaya rin si Gohan. Tulad nga ng sabi ni sir Layug, hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. Sometimes, we need to have courage to be happy.

Birthday ni Gohan ngayong araw. Na kwento niya sa akin na 13 years na siyang hindi nagce-celebrate ng birthday niya at wala raw siyang balak mag-celebrate pa. Kaya nagulat ako nang mag-message ito na magce-celebrate siya ng kayang 24th birthday at nais niyang ako ang magluto ng mga pagkain.

Ang huling pag-celebrate niya raw ng kanyang kaarawan ay noong kasama niya sina Traze at Vianna. Kung saan sabay-sabay nilang pinangarap magtayo ng restaurant. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, iniwan siya nito.

Hindi naman kinuwento lahat sa akin ni Gohan siguro dahil hindi pa naman kami ganun katagal magkakilala. Pero natutuwa ako na malaki na ang pinagbago niya, lalo na sa pakikitungo niya sa akin. Natutuwa ako na nakikitaan ko na siya ng emosyon. Mali ako ng inaakala sa kan'ya na masama siyang lalaki. Oo suplado siya , pero may dahilan siya kung bakit.

Marami pa akong gustong malaman tungkol kay Gohan mas gusto ko pa siyang makilala. Gagawin ko ang lahat para ma-overcome ni Gohan ang phobia niya. Gagawin ko ang lahat upang hindi siya mapahamak ng dahil sa akin.

Siguro kaya ako hindi sinusuportahan ng pamilya ko kasi ito yung kapalaran ko? Na suportahan ang isang taong kagaya ni Gohan? Hindi ko alam... basta masaya ako na matutulungan ko siya.

Nang makalabas kami ni Melanie sa school ay inaya ko siya sa isang shop kung saan may mga nagbebenta ng mga anime figures. Ito ang naisip ko na iregalo para kay Gohan dahil napansin ko na may cabinet sa office niya na puno ng anime figures. Minsan ko na rin 'yon natanong sa kanya, kung bakit marami siya no'n ang sabi niya lang sa akin; hindi ko na dapat pang malaman. Hays.

Pero dahil makulit ako ay nagtanong muli ako sa kaniya kung ano'ng nakukuha niya sa napakarami na 'yon. Sagot niya lang sakin, masaya raw siya na nakikita ang mga ito. Iyon daw ang mga dahil kung bakit kahit papaano ay hindi raw siya nakakaramdam ng lungkot. Puro order online ang mga 'to, dahil nga ayaw niyang lumabas para siya mismo ang bumili.

Kaya heto, naisip kong bilhan siya. Hindi man 'to kasing mahal ng mga anime figures niya ay pinagpaguran ko naman ang perang ipambibili ko.

"Teh sigurado ka ba, spongebob at doraemon talaga?" natatawang sambit ni Melanie habang hawak-hawak niya ang isang maliit na basket na may laman na iba't ibang maliliit na mga anime figures. "Hindi naman anime mga 'yan teh. Cartoons 'yan cartoons!"

"Teh, bibilhan ko din siya ng figure na Frame of Ecca at Yinusha-sinushawa," nabubulol kong sambit.

Ang hirap naman kasi ng mga pangalan ng mga anime. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga 'yan, mas gusto kong manood ng series, like Flower of Evil, I'm not a Robot and Remember: War of Son.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon