Chapter 26: Justice!

63 12 8
                                    

D A L I A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

D A L I A

Balitang-balita ngayon sa buong Pilipinas ang nangyari kay Klioh at ang nangyari kay Aminah tatlong taon ang nakakaraan. Halos lahat ng tao ay hinihiling na ibalik ang death penalty at ibigay ang nararapat na parusa para kay Gon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Gon. Malamang ay itinago siya ng kaniyang maimpluwensyang ama. Tulad ng ginawa niya raw noon sa case ni Aminah, kung saan nagawa nitong itago ang kaso at palabasin na heart attack ang kinamatay nito.

Tatlong araw na ang nakakaraan mula nang kumalat ang video ni Klioh kung paano siya namatay. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa isipan ko kung paano dumanak ang dugo mula sa ulo ni Klioh.

Ngayon araw lamang naiuwi ang bangkay ni Klioh. Ito ang una at huling araw na paglalamayan namin siya dahil matagal na siyang patay ngunit nung isang araw lamang nahanap ang bangkay nito.

Nagpasya si Tita Milcah na h'wag ng isapubliko ang lamay ni Klioh upang matahimik na raw si siya.

Tinignan ko ang itsura ni Klioh sa kaniyang kabaong, nakakaawa siya. Hindi ko siya halos magawang tignan ng matagal dahil hindi ko na naman mapigilan ang mga luha ko. Namaga ang mukha ni Klioh dahil na rin siguro sa matagal na itong patay at kamakailan lang naimbalsamo.

Umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa tapat ng kabaong ni Klioh. Katabi ko si Nana habang nakatingin sa kabong ni Klioh.

Niyakap ko lang ito. Napakabata pa niya para rito. Hindi man lang niya nalaman na ang ate Klioh niya ay ang tunay niyang ina.

Nandito rin sina Tita Milcah sa burol ni Klioh. Si Avriel ay nakaupo sa may gilid ng kabaong, wala pa rin tigil ang pag-iyak nito mula pa kanina.

Tinignan ko lang silang lahat, bakas mo sa mukha nila ang kalungkutan

Hindi ako titigil hanggat hindi namin nakakamit ang hustisya na nararapat para kay Klioh.

•••

Huminga ako nang malalim bago bumangon mula sa pagkakahiga. Umupo ako sa gilid ng aking kama habang tinitignan ko ang mahimbing pang natutulog na sina Avriel at Nana.

Dalawang araw na ang nakakaraan ng mailibing namin si Klioh.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap si Gonnie. May mga nagsasabi na lumabas na ito ng bansa.

Ngayong araw na 'to, nais kong simulan ang imbestigasyon ukol sa nangyari kay Klioh. Hindi ko alam pero hindi ko ramdam na may nangyayaring progress sa ginagawa nilang imbestigasyon. Ganito ba talaga ang labanan? Dahil ba makapangyarihan at maimpluwensya ang mga taong ito?

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now