Chapter 8: You are my family

126 15 5
                                    

2 years and 8 months ago

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

2 years and 8 months ago.

D A L I A

Maingay na kalsada. Madilim na paligid. Mga barker na sumisigaw ng Baclaran. Mga ilaw lang na galing sa mga establishments at mga hiwa-hiwalay na poste ng ilaw ang nagbibigay liwanag sa paligid. Gabi-gabi na lang ganito ang nararanasan ko, lalo na tuwing may pa-order ako sa business ko na Online Lutong Ulam. Wala naman akong choice kung 'di gawin 'to. Sana lang ay umabot ako. Sirain pa naman 'tong scooter na sinasakyan ko.

Ang hirap maging independent, pero kailangan ko 'tong gawin. Kasi wala naman tutulong sa sarili ko, kung 'di ang sarili ko din. Hays.

Hininto ko ang sinasakyan kong scooter nang nasa tapat na ako ng isang building. Kung saan nakatira ang regular customer ko na si sir Klioh. Sir Klioh, raw ang itawag ko sa kanya kahit na napakaganda naman niya. Pero hindi daw siya straight girl, lalaki daw s'ya, ang sabi niya.

Kinuha ko ang phone ko para magtext na nandito na ako sa tapat ng building nila.

Me:

Sir Klioh, nandito na po ako sa tapat ng building.

Klioh:

Hays, 'di ba sabi ko dumiretso ka na dito sa taas. Ikaw talaga.

Ay naku! Ang tamad talaga bumaba ng babaitang 'to, nakakapagod kaya umakyat kahit naka elevator, hays.

Me:

Okay po sir, copy ^^

Naglakad na ako papasok ng building matapos kong i-park ang scooter kong sirain. Nang makapasok ako ay kaagad akong dumiretso sa elevator.

Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa 'kin ang napakacute na si Nana at ang napaka gwapo na si Avriel. Ang mga kapatid ni Klioh.

"Ate Dalia!" Sigaw ni Nana nang makita ako sa labas ng elevator. Dali-dali siyang tumakbo palabas at sinalubong ako ng yakap.

Napakasweet talaga ng batang 'to. Mas lalo ko tuloy namimiss ang pamangkin kong si Namie. Hays.

"Hello baby Nana, ang cute naman ng headband mo." Umupo ako para maabot ko siya at hinaplos ko ang buhok niya.

Mukhang galing sila sa ate Klioh nila at pauwi na sila.

"Hehe," tumawa si Nana dahil sa sinabi ko. Ang cute. "Do I look like a princess ate Dalia?"

Nginitian ko siya "Of course baby, you look like a princess. You're so beautiful, like me."

Nag-ngitian kami ni Nana. Nakakagaan talaga ng loob 'tong bata na 'to.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now