Chapter 25: News & Articles

59 13 18
                                    

D A L I A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


D A L I A

Wala na si Klioh.

Wala na yung taong tumulong sa akin nang walang hinihinging kapalit. Wala na yung taong laging nandiyan para sa akin. Wala na siya, wala na...

Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwala na kayang gawin 'yon ni Gohan. Hindi ko lubos maisip na kaya niyang pumatay ng tao. Pero nagawa niya, kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya walang awang pinutukan ng baril si Klioh.

Hindi ko alam bakit niya ginawa 'yon. Ano bang kasalanan ni Klioh para gawin niya 'yon sa kaniya?

Iyon ba ang sinasabi ni Gohan na wala siyang ginawang kasalanan? Paano ako magtitiwala sa kaniya kung ganoon ang nangyari? Kahit sabihin man nito na hindi niya kagustuhan ang nangyari, pinatay niya pa rin si Klioh! Mga hayop sila!

Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako nakakauwi. Mula kanina ay nagpalakad-lakad lang ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ayoko lang mag-stay sa isang sulok. Mas lalo lang akong nasasaktan kapag nagmukmok lang ako.

Wala pa ring tigil sa pagtulo ang mga luha ko mula kanina. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man ako nang mga taong nadadaanan ko. Wala ako sa sarili ko ngayon, wasak na wasak ako at pakiramdam ko ay mahihirapan ako muling makabangon at mabuo.

Patuloy lang ako sa paglalakad habang unti-unting naalala si Klioh.

"Dalia, ikaw lang yung taong hindi nanghusga sa akin. Ikaw lang yung taong naramdaman ko na tanggap ako ng buong-buo."

"Ikaw din naman e. Ikaw lang yung taong nagparamdam sa akin nun."

Napakagat ako sa labi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Paano na sina Avriel at Nana. Paano na kami ngayon Klioh.

Kinuha ko ang phone ko na nasa loob ng sling bag nang tumunog ito. Kaagad kong binasa ang message.

Si ate Morellia lang pala, yung nakatira rin sa isang condo unit na tinirhan namin. Binuksan ko ang message niya at binasa.

Ate Morellia:

Dalia, sino bang kasama ni Nana? Kanina pa kasi siya iyak ng iyak. Naka-lock pa naman yung pintuan.

Pagkabasa ko nun ay biglang nagising ang ulirat ko. Napatingin ako sa aking wristwatch 9:30 PM na. Baka mahimbing nanaman ang tulog ni Avriel. Hays.

Napakagat ako sa aking labi. Paano ko ba 'to sasabihin kanila Avriel at Nana. Hindi ko alam... hindi ko alam kung paano ko sisimulan, hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)On viuen les histories. Descobreix ara