Last Chapter: Evidence

134 15 11
                                    


Disclaimer: I'm not knowledgeable in law and in trial but I did some research for you guys. So, if you notice some errors/mistakes don't hesitate to correct me. Enjoy reading!!!🙌🏻🖤

 Enjoy reading!!!🙌🏻🖤

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

D A L I A

"Please state your name," the court clerk said.

Napatingin lang kaming lahat sa lalaking umupo sa witness stand. Pansin kong napangiti si Ms. Elicia dahil doon. Anong nangyayari?

"Kliohferry Hernandez."

Silence.

Lahat kami ay 'di nakapagsalita at na-shocked nang ilang segundo bago napuno ng ingay sa sa buong court room.

Klioh?! Buhay si Klioh?!

Napatitig ako sa kaniya nang seryoso. Pero paano? Kaya pala! Kaya pala iba ang kutob ko sa kaniya. Kaya pala napakagaan sa pakiramdam nang ngitian niya ako. Iba na ang itsura niya. Lalaking-lalaki na siya.

"I'm Klioh Hernandez the owner of NAK's resto or Nana, Avriel and Klioh's Resto."

Napakagat ako sa labi ko habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko ay nagsimula ng magtubig ang mga mata ko. Napatingin ako kanila Avriel na nakangiti habang naiiyak na nakatingin kay Klioh.

Kaya pala, kaya pala iba ang itsura nang nakita kong bangkay ni Klioh. Kaya pala halos 'di ko na ito makilala.

"Ate Klioh... buhay si ate," naiiyak na sambit ni Avriel. "Buhay ang ate Klioh ko."

Napatingin naman ako kay Ms. Elicia. Nginitian niya lang ako.

Nagsimula ng magbigay ng testimony si Klioh.

"Seven years ago nang makilala ko si Wanco, hindi pa ako out nun, naging magkarelasyon kami. Pero nang hayain niya ako sa isang bagay na ayaw ko ay inamin ko sa kaniya na isa akong lesbian. Nagalit siya at pinilit pa rin akong makipagtalik sa kaniya. May pinainom ito sa akin kung kaya't nawala ako sa sarili ko. Nagbunga ang kademonyohan na ginawa niya sa akin. After 3 years bumalik siya sa akin dahil nalaman niyang nagkaroon siya ng anak sa akin. Pinilit niya akong magtrabaho sa Kingdom resto upang masuportahan daw niya kami ng anak ko. Naniwala ako sa kaniya, akala ko tapos na ang kademonyohan niya, pero hindi pa pala."

Natigilan siya sa pagsasalita at galit na galit na tumitig kay Wanco. Nakangisi lang si Wanco na para bang demonyo.

"Sinabi sa akin ni Rivah na ginahasa siya ni Wanco kung kaya't nag-resign siya noon, balak sanang magsampa ng kaso ni Rivah ngunit walang nakinig sa kaniya. Lahat binayaran ni Wanco. Balak ko na rin sanang mag-resign nun ngunit hindi niya ako pinayagan. Binantaan niya ako na papatayin niya kami ng anak ko at kapatid ko. Nagtiis ako magtrabaho roon. Hanggang isang araw inutusan niya ako para patayin si Aminah."

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now