Chapter 1: Who is she?

341 15 1
                                    

D A L I A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


D A L I A

Ever since I decided to study here in Manila to pursue my dream of becoming a chef ay hindi pa ako ulit umuwi sa probinsya namin sa Pampanga, dahil yokong sabihin nina papa at mama na tama sila na wala akong napala sa pangarap ko. I want to prove to them that I can achieve my dreams even in my own way. I want them to realize that their assumptions about me are wrong.

Pinag-aral ako ng parents ko hanggang highschool but after ko maka-graduate ay ayaw na nila akong pag-aralin pa, hindi naman daw kasi kataasan ang mga grades ko compare sa ate ko na kasalukuyan ng flight attendant.

Yeah, a typical scenario in one family, comparing their children to one another. They believe na mapupunta lang sa wala ang gagastusin nila kung magpapatuloy pa ako sa pag-aaral. They want me to manage the bakery shop of my sister na as if para doon lang ako. I know that, I can be more. That's the reason why I decided to go in Manila and study here.

I admit that it's difficult to be independent but it's more difficult to live in a house where no one believes and supports you.

Huminga ako nang malalim at iniisip kung tama ba ang gagawin ko. Nasa tapat na ako ng pintuan sa office ng K's resto. Sa bandang dulo ng resto nakapwesto ang officie nila kung kaya't walang gaanong nagawi na tao dito. 

"Hays," napabuntong-hininga ako. Kung 'di ko lang kailangan ng pera ay hindi ako magtiya-tiyaga na gawin ito.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa sliding door  dito sa office. Napakamot ako ng ulo nang makita ko ang itsura ko, nakasuot ako ng fitted na polo, black slacks at black shoes. Nagsuot din ako ng panlalaki na wig na binili pa namin ng kaibigan kong si Klioh.

Ngayong araw, mag-aapply ako sa isang sikat na restaurant dito sa Manila bilang isang server o kahit isang dishwasher na lang. Nirecommend ito ng kaibigan kong si Klioh, na isang lesbian. Sinabi niya na malaki daw ang sahod dito pero hindi pwede magtrabaho ang mga babae sa restaurant na 'to. Hindi niya sinabi sakin ang dahilan, dahil hindi rin daw niya alam ito.

Maganda si Klioh kung isa siya ay straight. Morena siya at matangkad. Pero ngayon ay halata mong paunti-unti ng nagbabago ang kanyang itsura, nagmumukha na talaga siyang lalaki.

Aha! Natawa ako nang maisip na hindi bagay sa maganda at maamo kong mukha ang ayos ko ngayon. Nangingibabaw pa rin ang kagandahan ko kahit na hindi ako nakamake-up.

Napasinghal ako baga hawakan ang pintuan ng office. Papasok na sana ako nang biglang may humawak sa balikat ko kaya napahinto ako sa pagbubukas nito. Nakita ko sa repleksyon ng sliding door kung sino ang tao sa likuran ko. Nakasuot siya ng uniform na pang K's resto bar&resort.

"Hoy Dylan, sira ka ba?!" mariing sambit nito at hinila ako palayo ng pintuan sa office ng K's resto. Dylan daw ang magiging pangalan ko as a lesbian name.

"What's wrong?" I asked. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko at inayos ang nalukot kong polo.

"Bakit ang ganda mo?!" malakas niyang sabi. Napangiti ako sa sinabi niya. Parang 'di naman masyado aha!

"Lah, parang sira Klioh!" Hinampas ko siya sa balikat niya.

Napakamot siya ng ulo bago muling nagsalita "Hays. I mean, 'd-di ba I told you na dapat magmukha kang lalaki?! Remember hindi ka straight girl ngayon!" Halata mo sa boses niya na kinakabahan siya at worried.

I don't know why she's over reacting like, as if someone will eat me alive. "Klioh, I can't do anything about my beautiful face hehez."

Napabuntong-hininga siya. "No, kailangan mong sumama sakin. Hindi ka pwedeng makita ni Mr. Gon ng ganyan!" Hinila niya ako papunta sa kung saan pero nagpumiglas ako.

"Sandali nga lang, ano ba kasing meron? As if may mangyayaring masama kung malaman nilang straight girl ako? Tsaka ano bang magagawa ko kung maganda talaga ako 'di ba?" I smiled with matching beautiful eyes.

"Yes, may masama talagang mangyaya—" napahinto siya sa pagsasalita nang biglang may dumaan na lalaking server sa tabi namin na parang gulat na gulat at takot na takot sabay napalakad ng mabilis palayo sa amin. "See? That's what I'm talking about!"

Hindi ko parin maintindihan ang point niya, they're so weird. Kung 'di ko lang talaga kailangan ng pera ay hindi ako magtiya-tiyaga magtrabaho sa ganitong klaseng environment, ang we-weird ng mga tao, isama mo na rin 'tong si Klioh.

Hinayaan ko na lang siyang hilain ako, pupunta raw kami sa restroom para mag make-up upang magmukha raw akong lesbian. Well, I did it earlier, kaso sa sobrang ganda ko hindi yata tumalab.

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang biglang...

"Klioh." We heard a voice of man, behind us.

Napahinto kami sa paglalakad ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Klioh sa balikat ko. Napatingin ako sakanya, nakapikit siya habang humihinga nang malalim. Ano'ng nangyayari sa kaniya? Aha!

Lilingon sana ako para tignan ang lalaking tumawag samin nang biglang harangan ako ni Klioh. Mabilis siyang napunta sa harapan ko kung kaya't naharangan niya ako. Sa tangkad ni Klioh ay hindi ko makita ang itsura ng lalaking katapat niya.

"M-Mr Gon!" natatarantang sabi ni Klioh. Si Mr. Gohan pala ang kausap niya. Oo, Gohan ang tawag ko sa boss niya na magiging boss ko na din kung sakali. Wala lang, Gonnie Han kasi ang buong first name niya e, mas cute kaya ang Gohan 'di ba?

"Klioh, what's wrong with you?" he asked.

Dinig ko ang bawat paghinga ni Klioh nang malalim. Na parang kahit anong oras ay hihimatayin siya. Ano bang problema niya?

Wala siyang sinabi sakin kung bakit ganito ang inaasta niya. Kung bakit ganun na lamang kaimportante na magmukha akong lalaki? Hindi ba pwedeng magpanggap ako ng lesbian emotionally not physically?

Hindi naman siya ganito umasta nung kinukumbinsi niya pa ako magtrabaho dito sa K's resto dahil nga alam niyang kailangan na kailangan ko talaga ng pera. Pero ngayon, hindi ko siya maintindihan.

"N-nothing sir!" nabubulol na sambit ni Klioh.

"Hmm. Who is she?"

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now