Chapter 5: I'm Dead

203 15 5
                                    

D A L I A

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.


D A L I A

Katapusan ko na ba? Totoo ba ang rumour na may condition siya na kapag nakakakita siya ng babae ay nagiging monster siya?

Pumikit ako at huminga ng malalim.

"W-what are you doing here?" He asked.

Minulat ko ang mata ko at dali-dali akong tumayo. "S-sir may naghahanap kasi sa inyo. Ang ganda niya, siguro girlfriend niyo 'yon no."

Tinaas baba ko ang kilay ko at bahagyang hinampas si Gohan sa kanyang balikat. Napansin ko naman na nagulat siya sa ginawa ko, naningkit ang mga mata niya.

Ay nako Dalia! Ano bang ginagawa mo!

Naisip kong gawing dahilan yung magandang babae na naghahanap sa kanya kanina.

"Whoever that person is, I don't care." He said. Seryoso lang siyang nakatingin sakin. "So, get out!"

Napapikit ako nang bigla siyang sumigaw. "S-sorry po sir."

Nang matapos kong sabihin 'yon ay naglakad na siya pabalik sa mesa.

"Lalabas na po ako." Pagpapaalam ko kahit na nakatalikod na siya sakin.

Dali-dali kong pinagpagan ang sarili ko at kaagad na hinawakan ang doorknob para lumabas ng kitchen area nang biglang...

"Wait," sambit nito.

Muli akong napalingon sa kanya. Nakatalikod na 'to sakin at kasalukuyan na ulit nagluluto.

"P-po?" I said.

"I saw on your resume that you are a Culinary Arts Student. You also said that you have a good skills in cooking."

Napangiti ako nang marinig ko 'yon mula sakanya. Bihira kasi akong makarinig ng taong interesado na malaman ang tungkol sakin. Natutuwa din ako kapag may taong nakikipag-usap sakin, when it comes in Culinary.

"Yes sir!" Proud kong sagot.

Napansin kong huminto siya sa pagcho-chop ng gulay at lumingon ito sa akin.

"Then, show me what you got."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko 'yon mula sakanya. Bumilis ang kabog ng dib-dib ko, dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Kaba, na may halong excitement.

I didn't expected it.

"A-ano po?"

"Hindi ko mo ba ako narinig?" Seryosong sambit niya. "Let's see, kung totoo nga ang mga nilagay mo sa resume mo."

"O-okay sir," sambit ko at naglakad palapit sakanya.

"Go ahead." He said at naglakad siya ng kaunti palayo sa mesa para bigyan ako ng space.

Naisip kong gawin ang specialty ko na Beef Calderata Ala Dalia.

Dali-dali akong kumuha ng beef sa refrigetor, cinut ko ang mga ito into cubes. Mabilis ko 'yon nagawa. Aba syempre, kailangan kong magpabibo sa boss ko no.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Där berättelser lever. Upptäck nu