Chapter 13: Have Courage to be Happy

120 13 1
                                    

D A L I A

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

D A L I A

Bumuntong-hininga ako matapos i-park ang scooter ko sa parking area. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kani-kanina lang. Birthday ba ni Gohan bukas? Kung gano'n 24 years old na s'ya bukas. Pero feeling ko sinabi lang nila 'yon para bumalik ako sa K's resto.

Sa totoo lang buo na ang pasya ko na hindi na talaga ako babalik sa K's resto. Mula nang mangyari yung kahapon, napagdesisyunan ko na din na 'wag na ngang magpatuloy.

"Mukha kang pera! Paano mo nakayang magtrabaho dito kahit alam mong niloloko mo ang anak ko?!"

"Hindi ko po alam ang tungkol sa phobia niya. S-sorry po."

"Tandaan mo 'tong sasabihin ko, I don't want you to work here anymore! Kapag may nangyaring masama sa anak ko hinding-hindi kita mapapatawad at sinisigurado kong magbabayad ka!"

Mariin akong napapikit nang maalala ko ang huling pag-uusap namin ng tatay ni Gohan na si sir Gion, kagabi bago ako umuwi. Nang sabihin niya ang mga 'yon napagtanto ko na tama s'ya, manlokoko nga ako at maaari ko ngang ipahamak si Gohan.

"Shit!" Napamura ako nang mapansin kong nakaparada ang familiar na kulay asul na sasakyan sa parking area. "Wanco!"

Napasinghal ako at tuluyan ng naglakad papunta sa condo unit namin, ano'ng ginagawa niya dito?!

Nang makarating ako sa 6th floor ay dali-dali akong naglakad papunta sa condo namin. Kaagad akong nag doorbell. Kaagad din naman 'tong bumukas at bumungad sa akin si Avriel, habang enjoy na enjoy sa kinakain niyang donut habang may hawak pa na milk tea. At saan naman niya galing 'yon? Aber? Kay Wanco?!

"Ate Dalia!" Masayang bati niya. "May bisita ka, nando'n siya sa loob!"

Matapos niyang sabihin 'yon ay nagmadali akong pumasok para makita si "Wanco?"

"Dalia, nandiyan ka na pala," bungad nito sakin. "Kanina pa kita hinihintay."

"Why?" Tanong ko.

"About yesterday, we're sorry."

"No." Walang gana kong sambit at nilapitan ko si Nana na nakaupo sa tabi niya habang kumakain din ng donut at ice cream.

"Ate Dalia you want?" Nakangiting sambit ni Nana.

Nginitian ko siya. "Baby, punta muna kayo ni kuya Avriel sa room ah."

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon