Chapter 21: All is set

76 14 9
  • Αφιερωμένο στον/ην MR_TERYO
                                    

D A L I A

Ουπς! Αυτή η εικόνα δεν ακολουθεί τους κανόνες περιεχομένου. Για να συνεχίσεις με την δημοσίευση, παρακαλώ αφαίρεσε την ή ανέβασε διαφορετική εικόνα.

D A L I A

Tulad ng sabi ni Gohan, ipinagpaalam niya ako kay sir Layug. Kaya ayon umuwi ako ng maaga. Gusto ko rin naman makapasok na ulit sa K's resto dahil gusto kong itanong ang tungkol kay Klioh. Dahil pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyari sa kaniya, dahil sa narinig ko kanina kay sir Layug at sa kung sino man ang kausap niya.

Napatingin ako sa salamin. Hindi ko na kailangan magsuot ng panlalaking damit. Pero 'di ako nagsuot ng damit na pang-sexy tulad ng nakasanayan ko noon. Hindi pa ako komportable na humarap kay Gohan na ganoon ang suot ko. Nakasuot ako ng black jeans at puting blouse na pinatungan ko ng itim na blazer.

Hinawi ko ang mahaba kong buhok at napatingin sa wig na nakasabit sa gilid ng cabinet ko. Hindi ko na siya kailangan suotin pero kinuha ko pa rin ito at sinuot.

Ayokong umasta bilang babae sa paningin ni Gohan. Never naman akong naging isang babae sa paningin niya. Kahit sinabi niyang alam niya na tunay akong babae, hindi ko naramdaman na tinuring niya ako bilang ganun.

Isa pa, nasanay narin naman akong umasta bilang isang lesbian sa paningin niya kaya baka manibago lang din ako kung ipapakita ko na sa kaniya ang tunay kong pagkatao.

Huminga ako nang malalim habang nakatingin pa rin sa malaking salamin sa harapan ko, pagkatapos ay lumabas na ako sa pintuan ng aming kwarto.

Pagkalabas ko ay parehong napatingin sa akin sina Avriel at Nana na kasalukuyang nanonood ng TV, pero tutok naman sa parehong gadget.

"Ate Dalia, uuwi na po ba si ate Klioh?" tanong ni Nana.

Nilapitan ko siya at hinaplos ko ang mahaba niyang buhok. "Pupuntahan ni ate Dalia si ate Klioh, okay? Malapit na siya umuwi."

Nigintian ko siya kahit hindi naman talaga ako sigurado kung mapupuntahan ko ba si Klioh. Hindi ko nga alam kung saang branch siya naka-assign.

"Promise?" nakangiting sambit nito.

Huminga ako nang malalim at ngitian siya. "Promise."

"Ate Dalia, isama mo si Melanie rito next time ah." Singit ni Avriel.

Tinignan ko siya ng masama pero nginitian ko rin siya. "Ikaw ah, 'wag puro 'yan inaatupag mo. Alagaan mo 'tong kapatid mo. Alam mo namang malaki tiwala sa atin ng ate Klioh mo, 'wag na 'wag mo 'yon sisirain. Tsaka yung yosi na 'yan, tigil-tigilan mo 'yan ah. Masama 'yan sa kalusugan."

Nakatingin naman si Avriel sa akin ng seryoso habang pinagsasabihan ko siya.

"Oo naman ate Dalia," nakangiting sambit nito. "Basta isama mo si Melanie ah."

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα