Chapter 22: Secret

70 16 14
                                    

D A L I A

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


D A L I A

Pakiramdam ko napakatanga ko. Ba't ba ako pumayag nang 'di man lang inaalam ang mangyayari. Ano ba'ng iniisip ko? Na kami lang dalawa ang aalis. Oo nga naman, ba't nga ba naman 'yon mangyayari.

Bumuntong-hininga ako at muling napatingin sa taong paparating, may dala itong maleta.

Napansin kong kinakabahan si Gohan habang nakatingin kay Vianna. Pinilit nitong ngumiti.

"I'm sorry for being a bitch to you Dalia," sambit nito nang nasa harapan na namin siya.

Ramdam na ramdam ko ang kaplastikan sa boses niya. Wala man lang akong naramdaman na sinseridad sa kaniyang sinabi.

Pinilit kong ngumiti sa kaniya.

Binalingan ko ng tingin si Doc Jayci na halatang nagulat din sa pangyayari. Napailing ito ng kaniyang ulo nang magtama ang mga mata namin.

Muli kong binalingan ng tingin sina Vianna at Gohan na kasalukuyan ng nag-uusap.

"I'm sorry, I didn't know that you have a phobia." Paliwanag nito.

Pansin kong pinilit ngumiti ni Gohan, ayon lamang ang tanging tugon niya sa sinabi ni Vianna. Halatang kinakabahan ito.

"Tara na?" anyaya ni Gohan.

Nagpaalam na kami kay Doc at pagkatapos ay sumakay na kami ng sasakyan. Sa harapan pumwesto si Vianna, katabi si Gohan na siyang magda-drive.

Sinabi niya sa akin ang mga location ng kanilang mga branch at nag-waze ako upang hindi kami maligaw, since hindi naman namin pare-parehong napuntahan pa ang mga 'to. Si Wanco raw ang lahat ng namamahala sa mga ito.

Tinanong ko kay Gohan kung saang branch naka-assign si Klioh para siya sana ang una naming puntahan kung sakali. Ngunit malayo pala 'to, sa Batangas pa pala siya naka-assign. Hays.

Tahimik lang ang naging biyahe namin at pansin kong 'di rin sila nagsasalita. Para bang nagpapakiramdaman silang dalawa. Pansin ko rin na pinagpapawisan pa rin si Gohan.

Napatingin ako sa salamin ng kotse ni Gohan at napaiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Hays.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa unang branch na pinakamalapit sa lugar namin.

Lumingon si Gohan sa akin. "Tara na?"

Pinilit kong ngumiti kahit na hindi ako komportable sa ganitong set-up. Pakiramdam ko ay ginagamit lang niya ako. Ba't ba kasi ang big deal sa akin nito. I should act normal. Hindi dapat ako ganito!

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now