Chapter 20: I'm Sorry

77 14 13
                                    

2 hours before Dalia applied in Kingdom Resto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

2 hours before Dalia applied in Kingdom Resto.

K L I O H

Almost four years na akong nagta-trabaho rito sa K's resto o Kingdom resto. Ewan ko nga ba't nauso ang tawag na K's resto e. Basta ang ibig sabihin ng letter K ay Kingdom at hindi Killer na tulad ng sinasabi nila. Hindi naman mamamatay tao si sir Gon, kaya bakit tatawaging Killer's resto ang kaniyang restaurant 'di ba?

3 years ago nang mangyari ang insidente na 'yon. Ang ibig kong sabihin nang patayin ko si Aminah. Oo, pinatay ko siya at kahit kailan ay hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Araw-araw akong binabagabag ng konsensya ko lalo na't naitago lang ang kaso dahil sa pera. Ang masaklap, ang akala nila si sir Gon ang pumatay kay Aminah.

Ngayong araw na 'to, na kumbinsi ko na rin si Dalia na magtrabaho sa Kingdom resto. Syempre, graduating na siya. Ilang years din akong nangulit sa kaniya para lang pumayag siya na magtrabaho sa resto ni sir Gon. Alam ko naman kasing nangangailangan talaga siya ng pera ngayon, kaya papayag talaga siya.

"Klioh, are you sure? Do I really need to wear this wig?" tanong ni Dalia.

Kasalukuyan niyang sinusuot ang binili naming wig kanina. Sa totoo lang ang ganda ni Dalia. Ewan ko nga kung magmumukha ba 'tong lesbian, kagaya ko. Sobrang cute ng mukha niya. Para siyang korean superstar sa sobrang ganda.

"Yes Dylan," natatawang sagot ko sa kaniya. "Dylan will be your lesbi name."

"Gosh? Kailangan pa ba 'yon?"

"Syempre. Ano gusto mo pa ba gawin 'to?" tanong ko sa kaniya. "Basta wala ng ibang rason pa, bawal lang magtrabaho ang mga babae do'n. Kung ano yung dahilan? Hindi ko rin alam. Sumunod ka na lang sa mga sasabihin ko okay?"

Mahabang paliwanagan pa ang nangyari hanggang sa pumayag na rin siya dahil wala naman siyang choice. Graduating na siya, dalawang buwan na lang ang hinihintay niya.

"Okay fine, ako lang ba talaga mag-isa pupunta roon?" tanong muli nito.

"Yes Dylan. Kailangan ko ng pumasok dahil oras na."

Late na ako ng 15 minutes dahil sa kaniya, ang dami niya kasing tanong. 12:00 PM ang pasok ko ngayon pero 12:15 na, hays!

"Make sure na magmukha kang lalaki, okay?" huling bilin ko sa kaniya bago ako lumabas ng condo.

Kailangan mong sundin ang mga sinasabi ko kung gusto mong mabuhay ka pa at h'wag matulad sa sinapit ni Aminah.


•••

Nakarating ako sa K's resto nang 12:45 PM buti na lang at 'di gaanong malayo ang condo namin.

Open Your Eyes, Gohan (Published under TDP)Where stories live. Discover now