Kalayaan

1.3K 61 1
                                    

May mga oras na nais kong maging ilog.

Dadaloy lamang.

Aagos patungo sa isang nakalulunod na dagat.

Nga lang, ako'y malaya.


Ngunit mas mahalaga ba ang kalayaan ko

kaysa sa kanya?

Malamang, hindi.


At may mga oras na magpapaalala sa akin

na mas mabuti pang maging tubig sa akwaryo.

Tahimik, kahit alam kong mapapalitan.

Kahit ako'y nakakulong.


Dahil oo, mas pipiliin kong itapon

o di kaya'y kumalat at mapunasan

kapag nabasag na ang akwaryo . . . 

kaysa ang makita siyang tumangis.

Katulad ngayon.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now