Pagbabago

38 5 0
                                    

Naghalong kahel at pula ang langit habang sinusulat ko ito.

Akalain mong makakasama kita sa huli't umpisa ng isang taon?

Ang relasyong produkto lamang ng makamundong nais, tila sa iba na ang tungo, lalo na nang ako ay iyong ipinakilala sa iyong ama't ina.

Bakit nga ba ako pumayag na manatili para alagaan ka ngayon?

Unti-unti mo na rin yata akong nahahawaan, ngunit aking iniinda upang ika'y maasikaso.

Sa mga ginagawa ko, napatanong ako kung ano ang aking intensiyon.

Bakit ko nga ba ginagawa ang mga ito?

Handa na ba ako?

Ikaw ba ay isang tamang desisyon?

"Huwag kang iiyak, huwag kang iiyak," bulong ko sa aking sarili habang naiinip at napagtatantong nagbibigay na naman ako ng higit sa aking makakaya.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now