Pagtingin

29 7 0
                                    

Bigla kong napagtanto

na ayaw ko pang mahalin ka.

Nais ko muna maging iyong

namumukod-tanging kaibigan

na puwede mong hagkan,

hawakan, iyakan,

at kung ano-ano pang nais mo.

Basta't hanggang doon lang muna.


Nararamdaman ko na yata

ang mga paru-paro sa aking tiyan

sa t'wing ika'y titig sa akin.


Kailan nagbago ang aking pagtingin?


Ayaw ko pang mahalin ka.

Ngunit malapit na yata.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon