Tahanan

73 7 0
                                    

Naninikip ang aking dibdib

tuwing iniisip kong tila ginagawa ko ang lahat

upang maagaw ang iyong atensiyon.

Hindi pa ba sapat para sa akin

nang iyong sabihin

na ako ay iyong gusto?

Ano pa ba ang gusto kong patunayan?

Bakit ba ako nakikipagkompitensiya sa iyong nakaraan?

Hindi naman ako natural na selosa.

Ngunit ramdam ko sa loob-loob mo na ika'y takot din.

Ito ba and dahilan

kung bakit hindi ka na nagtanong

kung ikaw ba ay aking papapasukin

nang ika'y kumatok sa aking pinto?

Basta ka na lamang tumayo sa may labasan

at nakipag-usap sa akin habang ako'y

nasa harapang balkonahe

na parang sapat na iyon para sa iyo?

Dahil kung magtatanong ka, dahan-dahan ko namang

bubuksan ang aking tahanan.

Sa unang araw ay sa hardin,

pangalawa ay sa sala,

pangatlo ay sa may hapagkainan,

hanggang sa makarating ka na sa kusina,

at sa aking mismong silid-tulugan.

Dadalhin pa kita sa bodega

kung gusto mong makita ang mga

bagay na matagal ko ng kinikimkim.

Kailangan na ikaw mismo ang magtanong sa akin

kung nais mo bang galugarin

ang bawat sulok ng aking tahanan

para malaman ko kung ano ang iyong dala-dala.

Buti sana kung malalaman ko

na may balak kang pumasok

ngunit wala palang balak manatili

para matrato kitang bisita.

At kung walang pahintulot kang papasok,

madali ka namang itulak papalayo.

Ngunit hindi. Wala akong ideya.

Mukhang ikaw ay panatag na diyan sa may labas,

pinagmamasdan lang akong nagtataka kung bakit

ayaw mong pumasok.

O baka'y pareho lang pala ang ating pananaw

kaya hindi tayo nagtutugma?

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now