Pagtitiis

27 4 0
                                    

Lumabas muli sa iyong mga labi ang katagang "mahal kita," at pinili ko lamang na ngumiti at dahan-dahang hinimas ang iyong pisngi.

Nagulat na lamang ako nang iyong sinabi, "Minsan natatakot ako. Pakiramdam ko'y iiwan mo ako kahit anong oras mong gusto. Pakiramdam ko'y darating ang panahong ika'y aalis."

"Bakit mo naman ito naisip?" aking tanong.

Ika'y nagkibit at sumagot, "Isa kang dilag na kayang mabuhay na walang mangingibig."

Marahil ay tama ka nga.

Natutunan ko na rin na huwag masyadong magsaalang-alang sa mga nararamdaman . . . na ang mga nararamdaman ay tila hanging dadaplis lamang.

Doon ko sinabing, "Huwag ka mag-alala. Hindi naman ako mawawala nang basta-basta. Magpapaalam ako."

Ang iyong mga mata ang nagsabing hindi iyon ang gusto mong marinig, ngunit hindi ko rin naman nais magsinungaling na kaya kong manatili panghabambuhay.

Hanggang kailan mo ako matitiis? Hanggang kailan ka mananatili sa tulad kong walang kasiguraduhan?

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now