Pag-ibig

30 4 0
                                    

"Iniibig kita," bulong mo.

"Tingin ko," dagdag mo. "Isang beses ko lang ito sasabihin."

Hindi mo ako pinagsalita.

Hindi na rin tuloy ako nakasagot.

At gusto kong sumagot, ngunit hinila ako ng takot na baka kaya'y nasabi mo ito ay dahil nandito ako sa iyong lumbay habang ika'y pinagkakaitan ng mundo.


Ngunit paano kung masaya ka na?


Iibigin mo pa rin kaya ako?

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now