Panaginip

35 5 1
                                    

Magkasama raw tayo, naglalakad, nagtatawanan . . .

hanggang sa kinailangan nating dumaan sa isang eskinita.

Pagsilip ko, maraming taong naghihintay sa kabilang dulo.


Walang alinlangan kang pumasok.

Samantalang kinailangan kong maghanap

ng ibang daraanan kung saan walang masyadong tao.

Ngunit nang ako'y hahabol na sa iyo, wala ka na.

Tatakbo na sana ako para hanapin ka,

ngunit naglakad na lamang ako

dahil bigla kong napagtantong

hindi mo man lang ako hinintay.


Napaisip ako sa panaginip na binuo ng aking utak.

Katangian mo ang makihalubilo.

Katangian ko ang maghanap ng mga paraang hindi umaakit ng tao.

Katangian mo ang hindi lumingon kung tingin mo ay napag-iwanan ka na.

At katangian ko rin ang unahin ang aking sarili

kapag napagtanto kong kayako naman mag-isa.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon