Pagtatanto

45 7 1
                                    

Nang lumublob ako sa batis

upang magkuskos,

napatingin ako sa aking imahe.

Biglaan . . .

ngunit dahan-dahan kong isinaloob

na tila ikamamatay ko

ang aking paghagulgol

nang aking napagtantong

hindi mo ako kayang mahalin.


Paano kung sabihin kong

gusto kong mahalin mo ako

tulad ng kung paano mo sila minahal?

Nais ko ring puntahan mo ako

kung nasaan ako.

Nais ko ring pangalan ko lang

ang iyong babanggitin.

Nais ko ring ako'y iguhit mo.

Ngunit ako'y napaisip sa iyong mga kuwento

tungkol sa iyong mga sakripisyo

para sa mga babaeng iyong tinangi.

Napaisip ako noong isang gabing

binanggit mo ang kanyang pangalan.

Ako'y isang hibang

dahil alam kong ako'y nasaktan,

ngunit pinili kong manahamik

para sa iyong katuwaan.


Nauulit na naman ang iniiwas-iwasan ko.

Ako na naman ang bigay nang bigay.

Para saan ba? Para saan pa?

Kung hindi ko rin naman nararamdaman

na sigurado ka sa akin.

Panandalian lamang ba ako?

Puwede bang iyong sabihin na?

Hindi itong sasabihin mong katuwang mo ako.


At nang matapos ako mag-isip,

nilunod ko ang aking sarili

sa batis ng walang hanggang saloobin

ng isang babaeng uhaw sa pagmamahal.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now