Pagtangis

90 11 3
                                    

"Bakit ka tumangis?"

Isang tanong na di naganap

ngunit aking inaasahan.

Bukod sa mangingibig,

gusto kita maging kaibigan.

Subalit di yata iyon ang iyong pakay.


Bakit nararamdaman ko

ang maagang pagtatapos nito?

Sumusulat ka ba dahil tunay

na ako o ay iyong gusto?

O sumasagot ka lamang dahil

malungkot ka rin katulad ko?

Di ko wari kung mas nais ko iyon,

kaysa ang marinig na kaya mo ako nagustuhan

ay dahil kailangan mo lamang ako.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now