Hadlang

25 6 0
                                    

Malapit na akong maubusan ng mga salita para sa iyo.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung idedeklara kong iniibig kita o huwag na.

Ngunit kung oo, handa na rin ba akong pakawalan ang pagkakaibigan namin ng babaeng iyong hindi sinipot?

Handa na ba akong maramdaman ang pagpupumilit na tayo ay mag-isang-dibdib at ang pangangailangang magluwal ng sanggol na hindi ko naman nais?

Hindi man ikaw ang tumpak na lalaking hinulma ng aking haraya, maalwan ang aking pakiramdam sa iyong piling.

Ngunit ang mga ito ang humahadlang na baka hindi pa ikaw ang tama para sa akin.

Kahit malinaw naman ang kaligayahang natatamasa ko tuwing tayo ay magkasama, nagugulumihanan pa rin ako.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon