"Magandang umaga. Sana maging maayos ang iyong tulog."
Sa umaga.
"Matulog ka nang maigi. Sana maging maayos ang iyong paggising."
Sa gabi.
"Saan ka dadayo? Sige, ika'y mag-ingat. Ipabatid mo sa akin kung ika'y nakauwi na."
Tuwing aalis.
"Kumain ka na ba? Ano ang iyong ginagawa? Ipaalam mo sa akin kung may libre kang oras."
Tuwing hindi.
Naguguluhan ako kung ano tayo,
ngunit alam ko namang ako ang nagsabi
kahit hindi mo naitatanong
na takot muna akong magmahal,
na takot muna akong magtiwala,
na takot muna akong magpatali
sapagkat hindi ko tiyak kung nais ko nga bang umibig.
Ayaw ko nang magbigay ng todo.
Ayaw ko ring mang-abuso.
Nais ko ay ang tama lang.
Ngunit paano ko ito malalaman kung habambuhay akong mangangapa sa iyo?
YOU ARE READING
Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at Juana
PoetryKatulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masaktan habang unti-unting hinuhulma ang hindi tiyak na hinaharap ng kanyang pag-ibig. Kasing gulo ng...