Regalo

20 2 0
                                    

Wala masyadong kaganapan noong Pasko.

Nais ko lamang na tayo ay tahimik na magdiwang.

At nang napatingin ako sa iyo,

biglaan ko na lamang nasabi

ang tatlong katagang

iniiwas-iwasan kong banggitin—

"Mahal din kita."


Bakit nga ba?

Hindi ko batid ang nasa aking pag-iisip.

Bigla akong nagsisi . . .

Lalo na nang hindi na matanggal

ang iyong mga ngiti,

tila iyong sinasabi

na ang tatlong salitang ito

ay sapat nang regalo.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now