Kabiguan

131 15 0
                                    

Hindi dapat kita kinausap.

Ako na naman ang nagkamali.


Baka nga ako'y malungkot lamang, nanggagalugad ng mga espasyo't sulok kung saan ako'y puwedeng panandaliang sumaya.

At sa unang sulok ay naroon ka.


Puwede akong lumipat, maghanap ng ibang espasyo,

dahil minsan ka na niyang naging pahinga't tahanan.

Hindi ko rin mawari kung bakit ako nananatili.


Marahil ay umasa akong alam mo na hindi mo ako maaaring gawing tahanan. Mas nagtiwala ako na wari mo ang malaking pader na humahadlang sa kung ano ang puwedeng magkaroon tayo.


Ngunit sa bawat pader na aking binubuo, siya namang doble-kayod mong winawasak ang mga naunang pader . . . hanggang sa naubutan mo ako.


Pareho tayong napatigil.

Sinuko ko ang palakol at lumapit sa iyo.


Alam kong puwede itong mangyari, ngunit mas nagtiwala ako na kakayanin kong bumuo ng mga pader.


Ngunit heto na naman ako. Bigo.


Hindi dapat kita kinausap.

Ako na naman ang nagkamali.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now