Pagsamo

28 3 0
                                    

Isang linggo pagkatapos, tayo'y muling nagkita.

Pinagmasdan natin ang mga maiilaw na paputok sa langit.

Inalala ko ang nakaraang taon na hinarap ko ang makulay na gabi nang mag-isa at umiiyak dahil ika'y may sakit.

Humingi ka ng tawad . . . ngunit iba ang aking naibigay.

Dahil nang kinailangan na nating maghiwalay muli, iyong ibinulong na ako'y iyong mahal.

At naiinis ako sa aking sarili dahil ako'y sumagot muli.

Ang aking pag-alis ay tuluyang naudlot dahil hinigpitan mo ang iyong yakap at nilaliman pa ang iyong mga halik, nagsusumamong ako'y manatili muna kahit kaunting sandali pa.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now