Pananatili

59 7 0
                                    

Naninikip ang dibdib

kada aaminin niya sa aking

mahal ka pa rin niya.

Hhindi dahil sa gusto kita,

kundi dahil una ko siyang minahal kaysa sa 'yo.


Hindi ko alam kung saan ako mas nanggagalaiti:

sa katotohanang ibinigay niya ang lahat sa 'yo

ngunit wala kang ibinigay maski isa sa kanya

O sa kadahilanang alam kong nasaktan mo na siya

ngunit hinahayaan kitang manatili sa buhay ko?

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now