Nakaraan

40 4 0
                                    

Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang balabal ng iyong nakaraang kasintahan. Tiningnan ko ang pinagamit mong pamaypay, at litrato ninyo ang tumambad.

At nang kinuha mo ang iyong gitara, akala ko'y haharanahin mo ako, ngunit ang mga nota at lirikong lumabas ay para pa rin sa iyong nakalipas na pag-ibig.

Alam kong hindi ko ito dapat intindihin. Hindi ko naman na mababago na hindi ako parte ng iyong nakaraan, at tanging sa iyong kasalukuyan mo lamang ako matatagpuan. Sadyang nahihiwagaan lang ako kung paanong kinakaya mong makita at marinig ang mga makapagpapaalala sa iyo sa kanila.

Samantalang ako, kakailanganin ko pang itapon ang mga liham at litrato nila upang sila'y tunay na maalis sa aking isip.

Hindi kaya'y hindi ka pa nakalilimot?

O hindi lang talaga ako kasintatag mo.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon