Ang mga litrato mo
ang sandigan ko paminsan,
ang pinakatatago kong yaman.
Kaya't nang di sinasadyang liparin ito nang hangin,
ako'y nataranta.
Lalo na't nang nakita ko si siya sa may balkonahe.
Wari ko na kapag nakita niya
na hawak ko ang iyong mga litrato,
katapusan na ng aming pagkakaibigan.
Dali-dali akong tumakbo, nanginginig, naiiyak.
Tila ako'y patungo sa isang sakuna.
Isang maling tapak lamang,
isang segundo lamang na ako'y mahuli,
alam kong kailangan ko na magpaalam.
Ngunit nasa panig ko pa rin ang kalawakan.
Bago pa man siya malingat,
nakuha ko na ang iyong litrato.
Tinago ko ito sa aking likod
bago niya tinanong, "Ano iyan?"
"Ibibigay ko sana kay Ama,
ngunit bigla itong nilipad ng hangin,"
aking tugon bago ako magpaalam
at dali-dali muli akong umakyat sa kama.
Ligtas ako mula sa sakuna.
Ngunit nang sinabi ko ito sa iyo,
nagulat ako na handa kang
ipinta ang sarili mo bilang kalaban.
Naiinis ako.
Ikaw ba ay nasisiraan ng bait?
Hindi ka bayani, at lalong hindi ka si Bathala.
Hindi mo ako kailangang iligtas.
Ito ay aking ninais.
Ikaw ay aking sinisinta.
Kaya't kung sakaling
mapagod na ang kalawakan sa akin
at ayaw na nito akong pagtakpan
sa pagsintang tinatago
kahit hindi naman ito kasalanan,
ako'y hihinga,
bibitawan ang lahat,
at sasama sa iyo.
YOU ARE READING
Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at Juana
PoetryKatulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masaktan habang unti-unting hinuhulma ang hindi tiyak na hinaharap ng kanyang pag-ibig. Kasing gulo ng...