Kahulugan

37 5 0
                                    

Hindi ko na itatanong

kung ano ang pag-ibig para sa iyo

sapagkat alam ko namang

ang kahulugan nito

ay iba-iba para sa bawat isa.


Ngunit paano kung

ang pag-ibig para sa akin

ay nangangahulugang

paghanap ng paraan

upang tayo'y magtapo

kahit may mga hadlang at abala

sa iyong dinaraanan

at ang pananatiling tapat

sa mga panahong

hindi mo kakailanganin

ang aking presensiya . . .


Tingin mo ba

ang kahulugan natin ng pag-ibig

ay magtutugma?

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now