Nang aking nasabi ang kasal ng lalaking minsan ay inibig,
Laking gulat ko nang iyong sinabing siya'y madalas na bukambibig.
"Ikaw ang sinisinta. Kaibigan na lamang siya," akin pang banggit.
Ngunit bakas pa rin sa iyong mukha't boses ang pagngitngit.
"Masaya akong ika'y nakadalo ngunit huwag na lang nating pag-usapan.
Siya ang bida sa iyong mga inilathala. Ano ang aking laban?"
Napaisip tuloy ako kung akin na nga bang sasabihin
Ang tungkol sa tipon ng mga tula na salamin ng aking damdamin.
Huminga't ngumiti na muna ako, ang sarili ay napigilan,
Bago ibinulong sa iyong tainga na ikaw ang aking katipan.
"Oo, mananatili siyang bahagi ng aking nakaraan
Ngunit hindi mo kailangang lumaban dahil ikaw ang kasalukuyan."
BINABASA MO ANG
Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at Juana
PoetryKatulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masaktan habang unti-unting hinuhulma ang hindi tiyak na hinaharap ng kanyang pag-ibig. Kasing gulo ng...