Pangungulila

38 5 0
                                    

Nagulat ako nang iyong sinabi,

"Nangungulila ako sa iyo."


Kahit hindi ko pa sigurado kung ano

nga ba ikaw sa akin . . .

At kahit hindi mo rin alam

kung kaya mo panindigan ang namamagitan sa atin . . .

Laking galak ko nang iyong ibinulong

ang mga salitang iyon.


Kung alam mo lamang

ang aking kagustuhang manatili sa iyong tabi

noong gabing iyon!

Ngunit ayaw ko rin namang isipin mo

na ako'y nagmamakaawa sa iyong oras at pansin.


Kaya't kahit ang katotohanan ay

nais kong tumakbo muli

papunta sa iyong bisig at ipagsigawan ang aking nararamdaman,

kinalma ko ang aking sarili at bumulong,

"Ako rin."

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaKde žijí příběhy. Začni objevovat