Liyab

34 5 0
                                    

Sa t'wing napapapikit ako,

naririnig ko ang paghinga mo sa aking tainga,

naaamoy ang bango ng iyong katawan,

nalalasahan ang dila mong pilit mong ibinuhol sa akin,

nararamdaman ang dampi ng iyong labi sa aking leeg,

pati ang mga kamay mong ginalugad ang aking buong pagkatao.


Tila ika'y nanghahamon, at hindi ako umaatras.

Sinigurado kong maaalala mo ang aking mga halinghing

at ang kurba ng aking katawan

makamtan mo lang ang rurok ng iyong hangganan.


At sa t'wing didilat ako,

mag-iinit muna bago manlalamig at mapaiisip.

Higit sa naglalagablab na palitan ng hawak at halik,

nais ko sanang hagkan mo ako,

ipaalala na kahit dito tayo nagsimula,

higit dito ang dahilan kung bakit ka nananatili.


Ayaw kong makiusap sa iyo upang ito'y gawin mo.

Nais kong mapagod at magising sa bisig mo

bago ko sabihing ikaw rin ay akin nang tinatangi.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now