Sagot

46 6 0
                                    

Umaga nang tumawag ka.

Nag-usap lamang tayo sa gusto mong agahan

At habang hinihintay ko ang iyong desisyon,

bigla mo na lang tinawag ang aking pangalan.


Tiningnan kita.

Naghintay ng iyong sasabihin.

Hindi ko alam kung bakit sa mga mata mo,

ang nais mong sabihin ay "Mahal kita,"

ngunit ang lumabas sa iyong bibig

matapos ang halos sampung segundo ay

"Gusto kita."


Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.

Naramdaman kong ganoon ang iyong sasabihin,

ngunit buti na lang ay mas mababa ito

kaysa sa aking inaasahan.


Ngunit napaisip ako . . .

Paano kung iyon ang iyong itinanong?

Ano nga ba ang aking isasagot?


"Masyadong mabilis"?

"Hindi pa ako handa"?

"Sapat na ang ganito"?


O . . .


"Mahal din kita"?

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaWhere stories live. Discover now