Pasensiya na
kung hinayaan kitang nag-iisip
kung kaya ba kita ipaglaban.
Nandito na ako,
hinihintay ang iyong pagdating,
at papatunayan ko namang
kaya ko
kahit itago ka man lang pansamantala
hanggang sa may lakas na ako ng loob
na aminin sa kanilang
ikaw ang aking itinatangi.
YOU ARE READING
Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at Juana
PoetryKatulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masaktan habang unti-unting hinuhulma ang hindi tiyak na hinaharap ng kanyang pag-ibig. Kasing gulo ng...