Dapithapon

30 4 0
                                    

T'wing ikaw ay aking kasama,

nag-aagaw ang dilim at ang liwanag.

Bagamat siya'y iyong nakaraan na lamang,

ako pa rin ay madalas binabagabag.


Wala nga tayong inaagrabyado,

ngunit mayro'n tayong masasaktan.

Kumawala na raw ako habang maaga pa,

ngunit ang ligaya ko'y ang iyong mahagkan.


Patawad kung minsan ay aking naiisip,

tama ba ang manatili sa iyong piling?

Sa mga dapithapon na tayo'y magkasama . . .

mali ba na ito ay aking maging hiling?

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin