Halik

33 6 0
                                    

Gustong-gusto ko

sa t'wing hihingi ka ng oras upang magtrabaho,

ngunit hindi mo malilimutang

magbigay o manghingi

ng isang halik.


Ngunit bukod sa nakalulunod mong halik

noong ating ikalawang gabi

na alam ko namang dahil sa makamundong pagnanais,

mas hindi ko malilimutan

ang pasorpresang dampi ng iyong labi sa aking pisngi,

kasabay ng iyong pasasalamat,

patunay na ika'y maligaya sa aking piling.

Mga Lihim na Liham ni Maria Kina Juan at JuanaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora