TADHANA SIMULA

73 4 2
                                    

[Ang Simula]

Pilipinas, 1880

ISANG malaking ngiti ang sumalubong sa akin matapos kong makababa ng barko, nasilayan ko ang ilang mga taong nag-abang sa aking pagbabalik na kumakaway sa akin ngayon. Napangiti ako nang makita sila, ang mainit nilang pagsalubong sa akin ay nagdudulot ng pagkatunaw ng aking puso dahil sa saya at sa kanila.

Nagsimula na akong maglakad papalapit sa kanila, marami ring tao ngayon ang bumaba sa barko at sumasabay sa usad ng tao. May mga tao rin na nakatayo sa daungan at hinihintay na makita ang mga minamahal nila sa buhay tulad ni ama na nahagip na ng aking mga mata.

Mas lalo akong napangiti nang agad bumaba si ama sa kalesa at nagmadaling lumapit sa akin upang mahagkan ako, nang makalapit ay nakangiting hinawakan ni ama ang aking kamay. "Ang aking unica hija!" Nagagalak na sambit ni ama at niyakap ako.

Lumawak ang aking ngiti habang yakap si ama at kinawayan din ang mga taong nagpunta sa daungan upang masilayan ang aking pagbabalik mula sa maynila, ako'y isinama kasi ng aking Tiya Linda sa maynila upang sandaling mamalagi at magbakasyon doon.

"Anak, maligayang pagbabalik!" Nakangiting saad ni ama habang hawak ang magkabila kong kamay, ako'y labis na nasisiyahan sapagkat naririto pa rin si ama upang salubungin ako sa kabila ng hindi kabuoan ng aming pamilya.

"Maraming salamat po, ama. Nagagalak po akong makita kayo," nakangiting pasasalamat ko at tinignan din ang aking mga kaibigan na kumakaway pa rin sa akin ngayon, nakita ko pa ang ilang mga binata na biglang kumislap ang mata matapos akong makita.

Ako ay kilala bilang isang palakaibigang binibini sapagkat para sa akin ay masaya kung kaibigan mo ang lahat, masayang magkaroon ng tunay na kaibigan. Hindi ko alam kung bakit hindi ito nagugustuhan ng iba, hindi ko rin alam kung totoo ang sinasabi nila. Totoo ba na may hindi totoong kaibigan?

Mga bagay na hindi ko alam sapagkat sa aking paniniwala, ang bawat tao ay maaaring maging mabait. Sabay kaming napatingin sa isang Don na lumapit sa amin, nakipagkamay sa kanya si ama na tinanggap naman ng Don. Mukhang kaibigan sya ni ama, kay daming kaibigan ni ama at ang iba ay hindi ko na makilala pa sa sobrang dami.

"Don Filimon, nagbalik na pala ang iyong unica hija. Maligayang pagbabalik, Binibining Anastacia!" Magiliw na pagbati nito, nginitian ko sya at tinanguhan bilang pasasalamat.

Dumistansya ako ng kaonti sa kanila nang magsimula silang mag-usap, nag-angat na lang ako ng tingin sa kalangitan. Ang kalangitan na ngayon ay kulay kahel, ang kahel na kalangitan na nagdudulot ng ngiti sa aking labi sapagkat napakagandang pagmasdan nito.

"Ako ay mauuna na, Filimon sapagkat hinahanap na ako ng aking asawa. Paalam," rinig kong pamamalam na ng Don kung kaya't napalingon ako sa kanila, nagsimula na itong maglakad papalayo habang hawak ang kanyang mamahaling tungkod.

Muli na akong nilingon ni ama nang may ngiti sa labi, nararamdaman ko ang labis na galak ni ama sapagkat nagbalik na ang kanyang nag-iisang anak. "Anak, ako'y labis na nangungulila sa iyong kagiliwan simula noong sinama ka ng aking kapatid sa maynila upang magbakasyon. Ngayon naririto ka na ay hindi na muli mag-iisa ang iyong ama," nakangiting saad ni ama, tumango-tango naman ako.

"Syang tunay ama," nakangiting pagsang-ayon ko at natawa, natawa at napailing naman si ama dahil sa aking sinabi.

"Sandali, bakit ba dito tayo nag-uusap? Tayo'y umuwi na," natatawang sambit ni ama at kinuha ang dalawang bagahe na hawak ko, sadyang maalagain talaga ni ama at itinuturing nya ako bilang kanyang prinsesa. Napakaswerte ko sapagkat sya ang aking ama.

Sabay kaming naglakad ni ama papunta sa kalesa kung saan naroon ang naghihintay naming kutsero, si Mang Andres. Napangiti sya ng makita ako. "Binibining Anastasia, maligayang pagbabalik!" Nakangiting pagbati ni Mang Baluga at itinapat ang suot nyang sumbrelong buri sa kanyang dibdib.

"Salamat po—" napatigil ako sa pagsasalita nang may marinig na kakaibang tunog, lahat ng tao sa daungan ay napatingin sa isang lalaking nakasakay sa puting kabayo at pinaaandar iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala sya!

Napatabi ang lahat ng tao sa daungan at sinundan ng tingin ang heneral na nagpapakitang gilas ngayon sa paggamit ng kanyang kabayo, habang patuloy na umiikot sa palibot ng tao ay nagtama ang aming paningin sa hindi inaasahang pagkakataon.

Bumagal ang pagpapatakbo nya sa kabayo nang masilayan ako, ang lahat ay napatingin naman sa akin matapos masundan ng tingin ang pinagmamasdan ngayon ng heneral. Hindi nya inalis ang kanyang tingin sa akin hanggang sa makalapit sya sa direksyon ko at bumaba sa kabayo.

Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan matapos syang maglakad papalapit sa akin, umihip ang sariwang hangin at kasabay no'n ay ang pamilyar na pagtibok ng aking puso habang pinagmamasdan syang papalapit sa akin ngayon.

Napatulala ako sa kanyang mukha, hindi ko akalaing marami na ang magbabago sa kanya. Iyon pa rin ang pamilyar na puti ng kanyang balat, katangkaran, kakisigan, kakapalan ng kilay, nakahahalinang mga mata, matangos na ilong, at manipis na labi. Ngunit sa pagkakataong ito ay magulang na ang kanyang mukha, seryoso na syang tumingin at mas lalong kumisig ang kanyang katawan.

Tibok ng puso ang aking naririnig hanggang sa tuluyan na syang makalapit sa akin sa kabila ng maraming tao na nagdudulot ngayon ng ingay sa buong kapaligiran, marahang umihip muli ang hangin at sa pagkakataong iyon ay nasilayan ko na ang kanyang ngiti na kay tagal ko nang hinihintay.

"Maligayang pagbabalik, Taciang..." Ang kanyang pagsalubong at hinubad ang suot nyang sumbrero bago itapat iyon sa kanyang dibdib.

Walang pinagbago ang kanyang ngiti, tulad ng aking pusong hanggang ngayon ay sya pa rin ang minimithi. Lumipas man ang panahon, hindi pa rin nagbabago ang nilalaman ng puso ko. Sya pa rin...

Si Khalil Leviano Santiago pa rin.

********************
#Tadhana #PagIbigSerye

Pag-ibig Serye #3: TadhanaWhere stories live. Discover now