TADHANA KABANATA 23

12 1 0
                                    

[Kabanata 23 - Kasagutan]

BUONG gabi akong hindi nakatulog dahil sa katotohanang nakakulong ngayon si Ama sa selda, buong gabi akong nag-isip at lahat ay nagtungo rin sa wala. Hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa aking isipan ang salitang binitawan ni Khalil bago nila dalhin si Ama sa selda.

"Huwag ka nang magsinungaling pa, Filimon De Leon. Sumisigaw ng katarungan ang lahat ng buhay na kinitil mo at kay tagal nang itinatago ng matatamis mong ngiti..."

Hindi ko lubos akalaing darating ang panahon kung saan makikita ko ang galit sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Ama, maging ang pagtutok nya ng baril dito at pagkwelyo. Buong buhay ko, hindi ako makapaniwalang magagawa nya iyon.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong paniwalaan, mahalaga sa akin si Khalil ngunit labis kong pinagkakatiwalaan si Ama at alam kong hindi nya magagawa iyon. Nang makauwi sa aming tahanan ay nagkulong ako sa aking cuarto at magdamag na lumuha.

Ngayon ay namumugto na ang aking mga mata dahil sa labis na lungkot at pagkalito, patuloy na bumubuhos ngayon ang ulan at ang kulimlim ng kalangitan. Aking nalaman kanina kay Mang Andres na lilitisin si Ama mamaya sa hukuman, kailangan kong magtungo roon at samahan si Ama.

Naniniwala ako na wala syang kasalanan, habang buhay ko iyong paniwalaan dahil ang aking tiwala sa aking Ama at buong-buo. Alam kong hindi nya magagawang pumatay ng isang tao, hindi nya iyon kailanman magagawa...

NANG makarating sa loob ng hukuman ay patuloy na nanikip ang aking dibdib, ngayon pa lamang ako nakapunta sa lugar na ito at ito ay nagdudulot ng takot at kaba sa akin. Pagpasok ko sa loob ng malaking pinto ay napatingin sa akin ang lahat, tumama ang aking mga mata kay Khalil na napatingin din sa akin ngayon.

Kanya-kanyang bulungan ang namutawi sa buong kapaligiran habang nakatingin sa akin, napahinga ako ng malalim at linabanan ang panghihina ng aking damdamin. Kailangan kong magpakatatag, hindi dapat ako umiyak.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, pumunta ako sa pinakaharapan at umupo sa mahabang upuan. Nararamdaman ko ang kanilang titig sa akin ngayon, napayuko na lang ako. Kung dati ay ako'y kinahahangaan ng lahat, ngayon naman ay kinahihiya.

Kumibot ang aking labi at pinigilan ang pamumuo ng luha sa aking mga mata, ako'y nakararamdam bigla ng pag-iisa. Nakayuko kong nilingon si Khalil na kahelera ko ngayon sa upuan ngunit nasa kabilang panig sya, nakatitig sya sa akin ngayon at mukhang kinakabahan sya ngunit pinanatili nyang kalmado ang reaksyon ng kanyang mukha.

Nasa kanyang likuran ang pamilya Santiago na nag-aalala rin akong pinagmamasdan ngayon, nandito rin ngayon ang iba't ibang pamilyar na pamilya tulad ng mga mag-asawang Villanueva.

Ilang sandali pa ay bumukas muli ang malaking pinto at ilinuwal noon si Ama na nanatiling nakayuko ngayon, iyon pa rin ang kanyang suot na itim at may dalawang guardia na nakahawak ngayon sa kanyang magkabilang braso.

"Ama..." Agad nangilid ang luha sa aking mga mata matapos makita ang mga pasang natamo nya, agad akong tumayo at tumakbo papalapit sa kanya.

Yayakapin ko sana sya ngunit pinigilan ako ng dalawang guardia, nilingon ko si Khalil na ngayon ay umiwas ng tingin sa akin at napagat ng mariin sa kanyang ibabang labi. Mukhang nahihirapan sya ngayon at malalim at iniisip, sa huli ay sumenyas sya sa mga guardia na pabayaan ako nang hindi tumitingin sa akin.

Nang umatras ang mga guardia ay agad kong yinakap ng mahigpit si Ama, nais nya sana akong yakapin pabalik ngunit nakatali ang kanyang kamay sa likod. Tumulo na ang luha sa aking mga mata at napasulyap sa mga Santiago.

Nakatingin lang si Don Flavio sa harapan. Si Doña Cecilia, Cresensia, at Sergio naman ay nag-aalalang nakatingin sa akin ngayon. Si Khalil naman ay nanatiling nakatalikod sa akin. Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Ama at nangingilid amg luhang tinignan ang lahat ng mga pasang natamo nya.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaМесто, где живут истории. Откройте их для себя