TADHANA KABANATA 11

10 3 0
                                    

[Kabanata 11 - Pagsalo]

"BINIBINI!" Inalis ko ang aking tingin sa hawak kong rosas na kulay kahel at nilingon si Maribel na syang tumawag sa akin mula sa pinto.

"Bakit?" Mahinahong tanong ko at hinarap sya, nakaupo ako ngayon sa kama ng aking cuarto. Kaliligo ko lang at pinapatuyo ang aking buhok, ang ginawa ko buong araw ay ang pagmasdan ang rosas na iyon.

"May bisita po kayo, ang mga Santiago. Ipinapatawag din po kayo ni Don Filimon," magalang na tugon ni Maribel sa aking katanungan, nagulat naman ako. Mga Santiago? Huwag mong sabihing naririto sila lahat ngayon?

"Ha? Ano? Bakit?" Nagtatakang tanong ko at inipit na ang rosas sa aking talaarawan, ilinagay ko na sa ilalim ng aking kama iyon.

"Binibini, dapat ay ako na po ang pinagawa n'yo niyan." Tumayo na ako at nilingon si Maribel bago ngitian, marahil ay alam nya nang hindi na nya iyon kailangan pang gawin lalo na't nagawa ko na.

"Bumaba na po tayo," anyaya sa akin ni Maribel at nginitian na rin ako, ang ganda nya talaga. Nginitian ko rin sya at tinanguhan bago maglakad palabas ng aking silid.

PAGKABABA ay sumalubong sa akin ang mag-inang Santiago na si Doña Cecilia at Cresensia, magkasama na naman sila at naririto ngayon sa harap ko. Agad ko silang nginitian upang hindi nila isipin na hindi ako masayang makita sila.

"Magandang umaga po Doña Cecilia, magandang umaga Cresensia. Ano po ang nagdala sa inyo rito?" Nakangiting tanong ko at kinurot ang baba ni Cresensia ngunit agad syang nagtungo sa likod ng kanyang ina, natawa naman si Doña Cecilia at nginitian ako.

Napatingin ako kay ama na syang sumalubong sa aking panauhan nang magsalita sya. "Anak, inaanyayahan ka nila na sumama sa kanila. Ako ay agad namang pumayag sapagkat labis kong ipinagkakatiwalaan ang pamilya Santiago. Hindi ko na nga kailangan pang tanungin kung saan kayo magtutungo," hirit ni ama na ikinatawa naming lahat, mukhang masaya ang araw ngayon ni ama sapagkat nagbibiro sya.

"Sige na anak, ikaw ay sumama na sa kanila. Mag-iingat kayo," nakangiting saad ni ama, nakangiting tumango naman ako at hinagkan si ama bago maglakad paalis kasama sina Doña Cecilia at Cresensia.

Nang makalabas sa aming hacienda ay napatingin ako sa kanilang dalawa dahil hinawakan nila ang kamay ko, nang-uusisa ko silang tinignan. Baka mamaya ay utusan na naman nila ako patungo kay Sergio. "Saan po ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Doña Cecilia na nakangiti pa rin sa akin ngayon, dapat ay si Gwenaelle ang isama nila sapagkat sya ang mapapangasawa ni Khalil.

"Basta, sumama ka na lang sa amin ate Taciang. Mahal mo naman kami hindi ba?" Hirit ni Cresensia, natawa naman ako at napatango na lang. Bahala na kung saan man kami magtungo ngayon.

ILINIBOT ko ang aking paningin sa hacienda Santiago, ano kaya ang gagawin namin dito? Bigla-bigla na lang kasi silang magyayaya, tuloy ay hindi ako nakapaghanda. Pumasok na ako sa loob sapagkat hinatak na nila ako papasok doon.

Nang makapasok sa loob ng kanilang malaking mansyon ay nagbigay galang sa amin ang mga kasambahay, napakalinis at aliwalas ng kanilang tahanan. Ilinibot ko ang aking paningin, naririto kaya si Khalil?

"Wala rito ang kuya Sergio, ate Taciang." Gulat akong napatingin kay Cresensia dahil sa sinabi nya, dahil sa aking pagkagulat ay malamang, iniisip nila ngayon na totoo ang sinabi ni Cresensia kahit hindi naman talaga. Si Khalil kaya ang hinahanap ko.

Nais ko sanang sabihin iyon ngunit hindi naman maaari sapagkat ang lalaking iyon ay may mapapangasawa na, si Sergio na lang ang maaari kung kaya't ito ang inaasar nila sa akin ngayon. Ako ay mahihirapan talaga sa ganitong sitwasyon, ang asarin ka nila sa taong hindi mo naman gusto.

"Ate Taciang, hindi ba't magaling kang gumuhit at magburda?" Tanong sa akin ni Cresensia, may sinabi si Doña Cecilia sa isang kasambahay. Tumango ito at umalis, mukhang may inutos si Doña Cecilia sa kanya.

"Oo, bakit mo natanong?" Nakangiting tanong ko, umihip ang malakas na hangin na syang pumasok sa loob ng mansyon sapagkat nakabukas ang lahat ng bintana. Marahang hinangin ang aking nakalugay na buhok sapagkat hindi ako nakapagtali kanina, tuyo na ito ngayon.

"Nais mo bang magburda tayo? Paborito naming gawin iyon ni ina!" Nakangiting saad ni Cresensia, agad naman akong tumango bilang pagsang-ayon. Hindi ako ganoon kahilig magburda ngunit maaari na rin.

Nagbalik na ang kasambahay dala-dala ang mga kagamitan sa pantahi, hinawakan ni Doña Cecilia at Cresensia ang magkabila kong kamay at pinaupo na sa kanape (sofa). Ako'y nagtataka talaga sa kanilang ginagawa sapagkat tila iniingatan nila ang bawat galaw na aking ginagawa. Ano na naman kaya ang plano nila?

Nagsimula kaming magtahi, napagusapan namin na gumawa ng isang bestida at kung sino ang may pinakamagandang gawa ay makatanggap ng premyo. Habang nagbuburda ay si Khalil ang nasa isip ko. Nasaan na kaya sya? Marahil ay sa oras na magkita muli kami, iiwasan nya rin muli ako.

"Isang bestida na binurdahan ng kulay kahel na mga rosas?" Patanong na paglalarawan ni Cresensia sa aking binurda matapos naming magtahi, tapos na kaming tatlo at pinagmamasdan ngayon ang mga bestidang nagawa.

Kulay puting bestida ang ginawa naming lahat ngunit gumawa ng iba't ibang disenyo. Kulay asul na mga patak ng ulan ang ginawang disenyo ni Doña Cecilia, napakalinis nitong tignan. Si Cresensia naman ay kulay dilaw na buwan ang ibinurda at ang iba't ibang hugis nito, naalala ko noon na nabanggit sa akin ni Cresensia kung ano ang masasabi ko sa buwan.

Ako naman ay mga rosas na kahel ang nagawa, may malaking burda sa harapan nito at mga maliit naman sa palibot ng malaking rosas na kulay kahel. Sa kaiisip ko kay Khalil ay hindi ko namalayang ito na pala ang nagawa ko, kahit na ako'y nagtatampo ng palihim sa kanya ay nananabik na rin akong makita syang muli.

Ngumiti si Doña Cecilia, magsisimula na sana syang magsalita ngunit nauna na ako nang may maramdaman. "Paumanhin ngunit maaari muna ba akong magtungo sa palikuran? Hindi ko na mapigilan pa ito," napapakamot sa ulong saad ko, natawa naman si Cresensia ngunit kinurot sya ni Doña Cecilia sa kanyang tagiliran kung kaya't napatahimik din sya.

"Oo naman, Taciang. Ang palikuran sa taas ang iyong gamitin sapagkat pinapagawa ni Flavio ang palikuran dito sa baba. Naaalala mo pa ba kung saan?" Mahinhing tanong ni Doña Cecilia, tumango naman ako st tumayo na. Ako ay palagi kayang naririto sa kanilang tahanan noon upang masilayan si Khalil na bigla na lang magsusungit.

"Salamat po. Sandali lamang," nakangiting saad ko at tumalikod na sa kanila at dumiretso papanik sa mahabang hagdanan, nang makapanik ay tumingin ako sa kaliwa't kanang pasilyo.

Mayroong palikuran sa magkabilang pasilyo ngunit pinili ko sa kanan sapagkat naaalala kong doon ang cuarto ni Khalil, isinaisip ko na agad dumiretso sa palikuran ngunit nang makarating sa tapat ng pinto ng cuarto ni Khalil ay kusang tumigil ang aking paghakbang.

Napapikit na lang ako at napahinga ng malalim bago pagmasdan ang pinto ni Khalil, maingat kong idinikit ang aking tainga sa tapat ng pinto upang pakinggan ang maaari kong marinig. Lumipas ang ilang segundo at hangin lang naman ang narinig ko, sandali kong inalis ang aking tainga sa tapat ng pinto upang bulungan ang aking sarili dahil baka nabibingi na ako.

Nang makasigurong nakakarinig pa naman ako ay madiin kong idinikit muli ang aking tainga sa tapat ng kanyang pinto, napahawak ako sa tapat ng aking bibig nang may marinig na ingay sa wakas. May tao sa loob ng cuarto ni Khalil!

Ipagpapatuloy ko sana ang aking pakikinig ngunit laking gulat ko nang ako'y mawalan ng balanse dahil sa biglaang pagbukas ng pinto, akala ko ay tuluyan na akong mahuhulog ngunit agad akong sinalo ng pamilyar na lalaki ngayon.

Hawak nya ngayon ng mahigpit ang magkabila kong balikat, bumilis ang tibok ng aking puso at dahan-dahang nag-angat ng tingin kay Khalil. Nang magtama ang aming paningin ay tila bumagal ang takbo ng paligid at tanging sya lang ang nakikita.

Ang lapit ng mukha namin ngayon sa isa't isa at hindi ako makapaniwalang sinalo ako ng nag-iisang Khalil Leviano Santiago!

********************
#Tadhana #PagIbigSerye

Pag-ibig Serye #3: TadhanaWhere stories live. Discover now