TADHANA KABANATA 34

8 0 0
                                    

[Kabanata 34 - Kahilingan]

NAKATULALA ako sa sahig habang nakasandal sa maduming pader ng selda na aking pinagkukulungan ngayon, naramdaman ko na lamang ang sunod-sunod na luhang bumuhos sa aking mga mata matapos muling maalala ang lahat ng nangyari.

Nasasaktan ako sapagkat alam kong sa mga oras na ito ay ilinilibing na ang labi ni Sergio at paulit-ulit na dinudurog ang aking puso sapagkat hindi ko man lang sya nasamahan sa kanyang huling hantungan.

Naghari ang aking paghikbi sa buong selda, walang katao-tao sa madilim na selda at ako lang ang tanging naririto. Hindi ko akalaing dito ako magtatapos matapos isigaw ni Aurora ang kasalanang kailanman ay hindi ko magagawa...

"P-PINATAY ni Anastacia si Ginoong Sergio!" Sigaw ni Aurora na ikinaguho ng aking mundo, nanlaki ang mga mata ko at hindi sya makapaniwalang tinignan.

"Sergio!" Napatingin ako at ang lahat kay Khalil nang isigaw nya ang pangalan ng kanyang kapatid at dali-daling tumakbo papalapit dito, inagaw nya sa akin si Sergio at kinakabahang hinawakan ang pisngi ng kapatid.

"Sergio... Gumising ka!" Sigaw ni Khalil na naghari sa buong kapaligiran, muling bumuhos ang luha sa aking mga mata nang makita ang pangingilid ng kanyang luha. "P-pakiusap!" Muling sigaw nya at mahigpit na niyakap ang kanyang kapatid ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata nito.

Pareho kaming nababalot ngayon ng dugo dahil sa aming pagyakap kay Sergio. Napatigil ako nang mag-angat ng tingin sa akin si Khalil. "Anong nangyari?!" Sigaw ni Khalil at ilinibot ang kanyang paningin, tuluyan nang naglaho ang babaeng bumaril kay Sergio at hindi ko alam kung saan sya mahahanap.

"A-anastacia! Huwag ka nang magsinungaling! Nakita kong ikaw ang bumaril sa kanya!" Gulat akong napatingin kay Aurora nang muli nyang ibintang sa akin ang lahat, nanginginig akong napailing at napatingin sa mga taong nakatingin sa akin ngayon.

"H-hindi totoo iyan!" Nanginginig ang labing sigaw ko habang patuloy na bumubuhos ang luha sa aking mga mata, tinignan ko si Khalil at umaasang makikinig sya sa akin ngunit napatulala sya sa baril na aking nasa tabi ngayon.

Nanlamig ang buong katawan ko matapos mapagtanto ang maaaring iniisip nya ngayon. "Heneral, may armas si binibining Anastacia De Leon!" Sigaw ng isang kawal na nasa ilalim ni Khalil, dahan-dahan nyang kinuha ang rebolber na nasa aking tabi at pinagmasdan bago ako tignan ng diretso sa aking mga mata.

Umugong sa aking pandinig ang malakas na bulong-bulungan ng mga taong nakatingin sa akin ngayon, nanikip ang aking dibdib habang nakatingin din ng diretso sa mga mata ni Khalil. Tila naglalaban ang kanyang isip at puso habang pinagmamasdan akong lumuluha ngayon.

"P-pakiusap, dadalhin ko muna ang aking kapatid sa pagamutan kung kaya't tulungan nyo na ako!" Pakiusap ni Khalil kahit na alam nyang hindi na muling gigising pa ang kanyang kapatid, napatingin ako sa isang ginoong kasamahan ni Sergio sa pagamutan nang lumapit ito.

Kitang-kita ko ngayon ang pagkabigla sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ang kanyang kaibigan, hinawakan nya ang pulso nito at pinakiramdaman. Ilang sandali pa ay tuluyang nawasak ang aking puso matapos makita ang kanyang pagyuko at dahan-dahang pag-iling na iisa lamang ang ibig sabihin.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt