TADHANA KABANATA 2

15 3 0
                                    

[Kabanata 2 - Kalungkutan]

"IKAW ay kinakabahan. Bakit?" Tanong ni Sergio, mas lalo akong kinabahan nang mapatingin ang ilan sa akin at maging sa kamay namin ni Sergio na magkahawak. Binitawan nya ang kamay ko nang mapagtanto na hindi maaari iyon.

Napatingin na rin sa amin si ama. "Anong nangyayari? Ayos ka lang ba aking kerubin?" Nag-aalalang tanong ni ama, napalunok ako at sinulyapan si Sergio at Khalil bago si ama na agad kong binigyan ng ngiti.

"W-wala po, ayos lang po ako. Ikaw ay nagpatuloy na po sa inyong naabalang pakikipagusap," pilit ang ngiting sagot ko, malapit ko nang paypayan ang aking sarili dahil pinagpapawisan na ako.

Hindi ako sanay magsinungaling lalong-lalo na kay ama, wala akong sikretong itinatago sa kanya sapagkat sya ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat. Tumango si ama at nakipag-usap na muli sa kanyang mga katabi, ibinalik ko na ang aking tingin kay Sergio na pinagmamasdan ako ngayon. Napatingin naman ako kay Khalil na ilinilibot ang kanyang paningin.

Dahil sa kanyang ginawa ay pasimple ko rin tuloy na ilinibot ang aking paningin, sino kaya ang hinahanap nya? "Binibining Anastacia." Muli akong napatingin kay Sergio nang sambitin nya ang pangalan ko, napatigil ako nang mapagtanto na hindi ko pa pala nasasagot ang katanungan nya.

"Ah, ako'y hindi naman kinakabahan. Ano lang..." Pasimple kong ilinibot ang aking paningin upang makahanap ng dahilan, tila tumigil ang paggana ng aking utak sa sitwasyong ito. Tumigil ang aking tingin kay Khalil na mukhang aliw na aliw ngayon sa alak na iniinom nya, napasulyap sya sa aming dalawa.

"Sergio, iyong huwag nang kulitin ang ating binibini. Baka mamaya ay magalit pa sya," natatawang saad ni Khalil, nang marinig ang malalim nyang boses ay nakaramdam ako ng kung anong kiliti sa aking puso. Sayang sapagkat 'ating' at hindi 'aking' ang sinabi nya.

"Sige na. Hindi ko naman gugustuhin na magalit sa akin ang perpektong binibini na ito," tawa ni Sergio, dumapo naman ang aking tingin kay Sergio at tinignan sya ng seryoso ba sya sa sinasabi nya.

"Talaga bang hanggang ngayon ay tatawagin nyo pa rin ako niyan? Wala namang perpekto sa mundo," saad ko at tumango sa aking sarili, matapos tumingin kay Khalil ay napatingin naman ako sa mga binibining malapit lang kay Khalil. Kulang na lang ay maglupasay sa sobrang inis. Saan ba nanggagaling ang poot ng mga binibining ito?

Dumapo naman ang aking tingin sa malaking bintana at nanlaki ang mga mata ko nang makitang kulay kahel na ang kalangitan! Muntik na akong mapatayo ngunit mabuti na lang at napigilan ko ang aking sarili. Agad kong kinalabit si ama at malawak na nginitian sya.

"Oh? Ano na naman iyon?" Tanong ni ama, mukhang naistorbo ko sya. Nangyari na kung kaya't susulitin ko na ang pagkakataong ito.

"Ama, maaari po ba akong lumabas? Tignan nyo po ang kalangitan ngayon oh," ngiting-ngiti na tanong at saad ko, kulang na lang ay mapunit na ang aking labi sa kangingiti. Napasulyap naman si ama sa kalangitan, matapos no'n ay mukhang napagtanto na nya ang aking nais mangyari.

"Sige-sige, mag-iingat ka anak. Naiintindihan mo ba?" Tanong ni ama at tinapik ang aking ulo, napangiti ako ng labas ngipin ngunit agad ko iyong tinakpan ng abaniko dahil hindi kaaya-aya na makita ang ngipin ng isang binibini sa pagngiti at pagtawa.

"Maraming salamat po, ama!" Nakangiting pasasalamat ko at mabilis na niyakap sya bago maingat na tumayo at mabilis na naglakad palabas ng mansyon na pagmamay-ari ng mga Santiago. Hindi ko naman nakuha ang atensyon nila dahil lahat ay abala sa pakikipagkwentuhan.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang